^

PSN Showbiz

May daya o totoo..., Mark Bautista namimintog ang harap

- Veronica R. Samio -

Lahat nakapansin na paglabas na paglabas ni Mark Bautista sa stage ng Music Museum, after siyang tawagin ni Christine Love bilang panauhin nito sa kanyang concert ay bukol na bukol ang harap niya. It was too obvious to ignore. Even after na makanta niya ang tatlong solo numbers niya at ang nag-iisang duet nila ng star of the show ay hindi nagbago ang namimintog na harap ni Mark. It was as if bahagi ‘yun ng kanyang buong performance, parang sinadya for a reason. Para pagmukhain ba siyang macho? But in fairness, Mark was the epitome of a hunk that evening. Pansin ang ganda ng kanyang pangangatawan sa ilalim ng napakaganda niyang bihis - magkaibang shade ng green ng pantalon at long sleeved shirt, white ba yon o cream tie? At nasa shade rin ng mustard brown ang kanyang makintab na sapatos.

Lahat nagkaisa na ang guwapo niya, malambot ang kanyang buhok, may ilang strands na lumalaylay sa kanyang noo at parang mas matangkad siya ng gabing ‘yun bagaman at sabi naman ng katabi kong si Erlinda Rapadas ay flat naman at hindi elevated ang kanyang shoes. His performance added to his almost perfect look.

Malaki na ang iniunlad ng performance ng nag-runner-up kay Sarah Geronimo sa isang singing contest na sinalihan nila. He has turned into a better baritone, malaki at makapal ang kanyang boses na bumagay ng husto sa napakataas na boses ni Christine Love. Mark, too, has displayed a confidence na nakukuha lamang sa paglipas ng panahon.

Kaya nga takang-taka ang maraming kafatid sa hanap-buhay kung bakit kailangan pa ng tulong ng some sort of a padding. Ayaw maniwala ng dalawang katabi kong press that it was real, inilagay para makakuha ng resulta na pinagpistahan ng mga bading, at marahil ng marami ring kababaihan. At kung sasabihin niya na totoo ‘yun at walang padding, then Mark has indeed improved more than expected!

* * *

It was my first time to watch Christine Love in action. Wala akong alam tungkol sa kanya. Katunayan nang may makita akong billboard niya akala ko ay isa siyang foreign singer, hindi pala, Pinoy siya na mas naunang magkaroon ng malaking pangalan sa abroad kesa dito sa sarili niyang bansa. Maganda siya at mahusay kumanta, isang magandang kumbinasyon sa mga nagko-concert. Abot niya ang mga matataas na nota, madalas nga mas tinataasan niya ang nota ng kanyang mga kinakanta, tuloy mas nagiging mahirap itong abutin pero, never ko siyang narinig na kinapos ng hininga, malinis siyang bumirit.

Sa kabuuan, maganda ang konsiyerto niya, tamang-tama ang guest, mahuhusay din pero hindi siya sinapawan. Maganda rin ang kanyang repertoire, may mga danceable tunes din pero mas nakaka­lamang ‘yung mga standards na nakita kong sinasabayang kantahin ng mga manonood, talagang relate na relate sila.

Isa sa mga guests niya, si Commissioner Nonoy Libanan ay muling nagpamalas ng kanyang galing sa pagtugtog ng gitara. At talagang magaling siya, hindi man kasing-galing ng gitaristang si Aiza Seguerra at ng kapatid na lalaki ni Maegan Aguilar ay hindi naman siya nahuhuli sa kanila sa galing nilang mag-gitara. Sabi ko nga sa aking sarili na kung ang lahat ng public servant ay isang artist na katulad ni G. Nonoy Libanan, ang ganda siguro ng takbo ng ating pamahalaan.

Dapat hindi makuntento si Christine sa pagdaraos ng concert minsan sa isang taon lamang, she should share her talent. Sabi niya, kasalukuyan siyang gumagawa ng album na magtatampok ng mga original compositions at mga revivals na napapaganda niya ang areglo. Mabuti naman dahil ang isang talento na katulad ng sa kanya ay dapat ipinagmamalaki, ibinabando at ibinabahagi sa mga kapwa niya Pilipino.

* * *

Kung gusto n’yong malaman ang mga kaganapan sa backstage ng mga naganap na concerts nina Davids Cook and Archuleta, Jennylyn Mercado at John Lapus, tumutok lang mamaya sa Showbiz Central dahil eksklusibo ang mga istorya nila tungkol dito.

Alamin din kung sino itong isang award winning actress na bina-blackmail ng isang ex-boyfriend. Ipagkakalat daw nito ang mga private videos nila kapag hindi niya ito binalikan? Ito at ang iba pang kontrobersyal na video ang hawak na ng SC. Matapang kaya silang ipapanood ito?

* * *

Bukas at sa mga susunod na araw sa serye ng GMA 7 na All About Eve, mabubulgar na ang lihim ni Erika (Sunshine Dizon). Sa galit naman ni Katrina (Jean Garcia) kay Erika ipapalit nito si Nicole (Iza Calzado) bilang host ng All About Eve.

Makakalabas na si Alma (Eula Valdez) sa kulungan! May magpipiyansa sa kanya, si Frederico (Richard Gomez), buhay ito!

Malalaman na ni Frederico ang ginawa ni Robert (Eric Quizon) sa pamilya niya pero, ituturo naman nito si Katrina. Ito ang paparatangan ni Frederico na nagtangkang pumatay sa kanya.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALL ABOUT EVE

CHRISTINE LOVE

COMMISSIONER NONOY LIBANAN

DAVIDS COOK AND ARCHULETA

FREDERICO

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with