^

PSN Showbiz

Jomari nagsalita na tungkol kay Pops

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa May 12 na ang dating nina David Cook at David Archuleta para sa May 16, concert nila sa concert grounds ng SM Mall of Asia. May radio and TV promotion sila na exclusive sa GMA 7, pero sa SiS at Eat Bulaga na lang sila lalabas.

Sinabi ni Jomari Yllana ng Fearless Promotions kung saang hotel naka-billet ang two Davids, pero hindi na ipinasulat at baka dagsain ng fans ang hotel.

Two hours tatakbo ang concert at may tig-60 minutes sila to perform. May sarili silang band at technical writers at between 20 to 25 ang entourage ng bawat isa. Hindi sila gagamit ng same band at equipment.

Si Ronald Singson ang nakipag-negotiate sa management ng dalawa na package deal ang tawag ni Jomari sa concert ng dalawa.

Maganda raw ang benta ng tiket at mabibili ito sa Ticketnet at Ticketworld at P12, 426 (Titanium), P6,215 (Platinum), P3,625 (VIP), P2,075 (Gold), P625 (Silver), at P315 (Bronze). May upuan ang mga manonood except for the silver and bronze area.

Ayaw sabihin ni Jomari kung ano ang next project ng Fearless Promotions, pero pinaplano nilang magbukas ng music channel. Parang ’di sinagot kung maglalabas sila ng music video nina Pops Fernandez at Martin Nievera ‘pag operational na ang music channel.

Naaliw, pero natagalan sagutin ni Jomari ang tanong kung saan niya pauupuin sina Pops, Ara Mina at Aiko Melendez kung manonood ang tatlo. Kanino niya ibibigay ang best seat?

 “Kay Pops ko na lang ibibigay ang best seat because I know she’s a fan of the two Davids. Si Aiko ‘pag manood, grupo ‘yun and with her family at si Ara, kasama ang boyfriend niya.”

Nag-isip din bago sagutin ni Jomari ang tanong kung ano ang mga natutunan niya sa pakikipag-relasyon niya kina Aiko, Ara at Pops.

 “With Aiko, I learned to be a father and husband. With Ara, I learned my worth as a person (aww!). With Pops, I was at my best (aww again!).”

* * *

Nahihiya si Kris Bernal sa Princess of Daytime Soap title na ibinigay sa kanya dahil sa top-rating Dapat Ka Bang Mahalin? nila ni Aljur Abrenica. Mas comfortable siya sa The Royal Couple of Afternoon Drama na itinatawag sa kanila’t dalawa sila ng ka-loveteam.

Basta, ang alam niya ay ginagawa lang nila ang kanilang trabaho sa after­noon soap ng GMA 7. Nagpapasalamat na rin siya kina Direk Maryo J. delos Reyes at Anne Villegas, ang kanyang act­ing coach dahil tinututukan ang acting niya sa bawat eksena.

Ayaw ding tanggapin ni Kris ang comment ng iba na mas magaling siya kay Jennylyn Mercado dahil malayo na raw ang narating ng actress kesa sa kanya at idol niya ito. Nag-agree lang ito sa tsikang masakit siyang manampal dahil totoo at si Ara Mina ang magpapatunay nito. Tumalsik pa nga ang hikaw niya sa lakas ng sampal ni Kris.

Birthday ni Kris sa May 17 at Chanel earrings ang hiningi niyang gift kay Aljur na pag-iisipan pa ng young actor dahil may kamahalan. Walang party si Kris at tama na sa kanya na pinapanood at nagugustuhan ang DKBM? Hinihintay niya ngayon na bigyan sila ng primetime soap ng home studio nila na ‘di malayong mangyari.

Dahil sa lakas ng tambalan, ilo-launch sina Kris at Aljur ng Regal at GMA Films sa pelikulang Nandito Ako to be directed by Maryo J. delos Reyes. June 15, ang target first shooting day nila at dadayo sila sa Bohol para mag-shooting.

* * *

Showing sa 12 theaters ang Ded na si Lolo ng Sine Direk. Mapapanood ito sa SM Manila, SM North Edsa, SM Centerpoint, SM Megamall, SM Southmall, SM Fairview, Festival Mall, Robinson’s Galleria, Novaliches at Metro East, Sta. Lucia, at Cinerama.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANNE VILLEGAS

ARA MINA

FEARLESS PROMOTIONS

JOMARI

MARYO J

NIYA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with