^

PSN Showbiz

Pulitiko pinagnanasaan ang may anak na aktres

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Patay na patay ang isang bagets na pulitiko sa isang aktres na dalagang ina.

Type niya ang aktres dahil ramdam daw niyang wild ang nasabing aktres na nagkaanak na walang asawa.

Pero takot ang pulitiko na ligawan ito dahil baka idaldal siya.

Kaya lang, parang hindi kayang pigilan ang nararamdaman ng pulitiko dahil gusto talaga niyang subukan at baka makalusot.

Mayaman ang pulitiko, ‘yun nga lang may sabit na. Siguradong hanggang lihim na relasyon lang ang mangyayari kung saka-sakali.

Well, wait na lang tayo kung may mangyayaring pag­babago sa uri ng pamumuhay ng unwed mother na aktres.

Abangan...

* * *

Speaking of pulitiko, buking na rin ang relasyon ng isang bagets na aktres sa isang maimplu­wensiyang tao. Hindi naman gaanong sumikat ang aktres na ito, pero kahit paano ay natatandaan ng marami ang kan­yang pangalan at hitsura.

Patambay-tambay na lang daw ito ngayon sa pinu­pun­tahan ng mga social climber like her, bitbit ang kanyang mga mamahaling bag, suot ang ma­ma­haling damit with matching pa-English English.

Sino siya, itanong n’yo sa isang natulungan ng pulitiko dahil alam niya ang kuwento.

* * *

Bakit ganun, kung kailan last day na today ng Boy and Kris, saka parang gumanda ang pre­sentation nila?

O talagang sobra ang effort nila dahil birthday ni Kris. This week, nakakaaliw ang mga napanood kong pinag­gagawa ni Kris - yoga at ang bakasyon ng pamilya nila sa Boracay.

‘Yung sa yoga, totoo ang sabi ni Boy na hindi na nga lampa si Kris. Kinakarir na niya ang pagyo-yoga at tinuruan pa niya si Boy na mukhang enjoy naman sa ginawa niya.

Sa Boracay, aba ang payat na nga niya. Naka-one piece siya at in fairness, ang payat na niya.

Speaking of Kris, sasayaw daw si James Yap kasama si Kris para pa rin sa birthday celebration ng game show queen sa Kapamilya Deal or No Deal na ipapalabas ngayong gabi.

 Nagmistula raw isang malaking party ang set sa taas ng enerhiya ng laro habang sinusubukang sung­kitin ni James, kasama ang kapatid ni Kris at Senador na si Noynoy Aquino, ang jackpot na P4 million.

 Maging ang mga bumisitang kaibigan ni James mula sa Purefoods team at mga kapartido ni Noynoy, na si Sen. Mar Roxas, ay napaindak din daw.

Uuwi naman kayang milyonaryo sina James at Noynoy? Maging mabait kaya si Banker sa pagbibigay ng offer lalo pa’t birthday ni Kris?

Well, watch natin sila mamaya.

Ay sa SNN na nga pala sina Boy at Kris simula sa Lunes.

* * *

Super hightech na talaga ang paligid ngayon. Kung ma­raming nagbabasa ng Pilipino Star Ngayon sa papel, mas bongga ang dami ng readers ng PSN sa internet. As in to the highest level.

‘Wag kayong magugulat dahil milyones ang nagbabasa sa entertainment section ng Pilipino Star Ngayon na halos umaabot sa 3 million sa isang buwan.

Consistent ang ranking at average number na 2,523,042. Ang Google Analytics ang source ng survey.

‘Di ba, talagang super bongga!

Naaabot ng PSN website ang maraming bansa at malaking tulong ito sa mga kababayan nating nasa malalayong bansa. Nagkakaroon sila ng connection. Kaya alam nila ang mga nang­yayari sa pali-paligid ng showbiz.

Super react din sila pag feel nila ang mga kuwento.

Kaya salamat sa lahat ng readers ng PSN saan mang sulok ng mundo (uy pahiram ha...).

* * *

May magpaalala sana sa mag-dyowang sina Rachelle Ann Go at Gab Valenciano na hindi naka­kaaliw ang pinakikita nilang sweetness sa MYX kung saan guest VJ si Rachelle.

Parang over eh. Meron pang pahawak-hawak si Rachelle sa mukha ni Gab.

Actually, ramdam mo naman ang kanilang pagmamahalan, pero naman, nasa TV sila at maraming bagets na nanonood ng MYX Channel noh.

* * *

[email protected]

vuukle comment

ANG GOOGLE ANALYTICS

BOY AND KRIS

ENGLISH ENGLISH

GAB VALENCIANO

KAYA

KRIS

PILIPINO STAR NGAYON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with