^

PSN Showbiz

Jolina ayaw magsalita sa hiwalayan nila ni Bebong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Okey lang kay Jolina Magdangal na masulat ang break-up nila ni Bebong Muñoz, pero hindi siya magsasalita kung bakit at kung kailan talaga sila naghiwalay. Ito ang nakuha naming impormasyon kay Mr. Jun Magdangal, ama ng singer-actress na siyang nagkumpirma na break na nga ang dalawa.

Hindi rin alam ni Mr. Magdangal kung kailan eksak­tong naghiwalay sina Jolina at Bebong dahil sinabi lang sa kanila ng anak noong nasa resthouse nila sila sa Tagaytay noong December 26, 2008. ‘Yun lang ang sinabi ng anak at nirerespeto nila ang silence nito up to the time na ito na mismo ang magkukuwento what went wrong sa alam ng media na eight years nilang relasyon. Pero, ang bilang ni Mr. Magdangal, two months pa lang couple sina Jolina at Bebong at nagsimula lang nang bumalik ng bansa ang binata.

“Nagulat kami, pero ayaw naming pangunahan si Jolina at bibigyan namin siya ng enough time kung kailan niya gustong magsalita. She’s okey, masayahin pa rin, altho’ minsan nakikita naming moody. Hindi lang namin alam kung dahil sa break-up ‘yun o dahil sa artist temperament. Sinamahan pa namin siyang mag-shopping sa Trinoma last New Year’s Day,” pahayag ni Mr. Magdangal.

Napansin lang ni Mr. Magdangal na noong Christmas Eve, hindi bumisita sa kanila si Bebong at hindi na rin pumunta si Jolina sa bahay nito para batiin ang parents nito. Akala lang nila, busy ito at may usapan sila ni Jolina na ‘di na rin ito pupunta sa kanila, hang­gang inamin na nga ng anak na wala na sila.

Ang alam ni Mr. Magdangal, nasa US si Bebong at may nagsabi ng family friend ng binata, three weeks ito sa States dahil sa trabaho. Kinontra rin ng family friend ni Bebong ang balitang hiwalay na sila ni Jolina at nag-usap daw ang dalawa. Hindi alam ng family friend na ito na inamin na ni Mr. Magdangal na break na sina Bebong at Jolina.

Ang hindi namin naitanong kay Mr. Magdangal ay kung ano ang mangyayari kay Cosmo, ang ala­gang aso nina Jolina at Bebong. Isasauli ba siya ni Jolina sa ex o sa kanya na ito?

* * *

Anak ni Gina Pareño at ina ni Gerald Anderson ang role ni Cherry Pie Picache sa Tayong Dalawa. Api-apihan siya rito, iba sa ginampanan niya sa Iisa Pa Lamang  na sobra ang pagiging ma­sa­ma at kamalditahan. Thankful ang actress sa ABS-CBN sa isa na namang ma­ganda at very challenging role na kanyang ipo-portray.

First time maka-trabaho ni Cherry Pie si Helen Gamboa, kung saan, may mga confron­t­ation sila at sampalan. Ano ang masasabi niya sa actress?

“She’s a very, very gracious lady. Very pleasant, motherly and she takes care of the cast and staff. Lagi siyang nagpapakain sa amin. Napaka-sarap niyang ka-eksena kahit nag-hiatus siya, pagbalik niya, makikita pa rin ang passion sa kanya. Ang sampalan namin, gina­wa naming mabuti,” sabi ni Cherry Pie.

Later on, inamin ni Cherry Pie na nahirapan siyang sampalin si Helen at before and after the take, nag-sorry siya rito.

 “Sabi ko, pasensya na, trabaho lang. Kahit masakit at nakaka-ilang, kailangan ko pa ring gawin. Ang mga artista naman may silent understanding pagdating sa mga ganu’ng eksena. Hindi ko lang alam kung bakit binibigay sa akin ang task na ganu’n dahil sinam­pal ko rin si Ms. Susan Roces sa Iisa

Pa Lamang at binugbog ko naman si Ms. Gloria Romero. Nadulas pala si Cherry Pie at in—announce na sa January 15, na ang pilot ng Tayong Dalawa  na agad kinorek ni Eric John Salut. Malabo ngang sa nasabing petsa ang simula ng ere nito dahil sa calendar, Thursday ang Jan. 15.

* * *

Replay ng Anna and Edison episode ang mapapanood sa Dear Friend ng GMA 7 this afternoon after SOP. Love story ito ng Pinay na si Anna at Chinoy na si Edison na eight years na ang relasyon, pero hindi pa rin masabi ng lalaki sa ina dahil gusto nitong kapwa Intsik ang mapangasawa niya at ipinagkasundo na rin siya sa kapareho niyang Intsik. 

vuukle comment

BEBONG

CHERRY PIE

JOLINA

KUNG

LANG

MR. MAGDANGAL

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with