^

PSN Showbiz

Agam-agam sa movie ni Aiai

- Veronica R. Samio -

Makatapos lamang ang ilang araw na pagpapa­labas sa sinehan ng mga entries para sa Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) ’08, nagpamalas na ng lakas ang Tanging Ina N’yong Lahat ng Star Cinema na nagtatampok sa tambalan nina AiAi delas Alas at direktor Wenn Deramas.

Bagama’t unprecedented ang ginawang record ng pelikula ni AiAi nang una itong ipalabas, hindi kataka-taka kung magkaro’n man ito ng agam-agam dahil kasama sa filmfest ang itinuturing na hari ng boxoffice na si Vic Sotto na ang mga entries in the past ay hindi rin nagpahuli sa takilya. Ang kanyang Iskul Bukol…20 Years After.

Bukod sa naging matagumpay na sitcom ito at bumilang ng taon sa telebisyon ay nagtatampok pa rin sa isang powerful all-star cast plus an array of top stars in cameo roles. Tulad ni Sharon Cuneta na bihira ang nakakaalam ay isa rin palang Escalera, ang bunsong kapatid nina Tito at Joey Escalera sa pelikula.

Makatutulog na ng mahimbing sina Vic at AiAi dahil sa takbo ng MMFFP, maglalaban lang sila sa 1st and 2nd places, ang mananalo ay hindi manganga­hulu­gang mas magaling kundi mas maswerteng komedyante.

Sa isang impormasyong tinanggap ko, kasama sa top four ang Shake Rattle & Roll X at ang Desperadas 2, parehong entries ng Regal Films, ang una ay ilang ulit ding namayani sa top position kaya nga nakaka-10 pelikula na ito, samantalang ang ikalawa ay hindi rin naman lumalaglag sa Top 3 kaya nga sa partisipasyon ni Ogie Alcasid eh mas umaasam pa ng mas mataas na posisyon ang Regal. Also the participation of the controversial Marian Rivera, ay inaasahang isang malakas na come on.

Ang apat pang sumusunod sa mga naunang binanggit ay ang Baler, Dayo, One Night Only at Magkaibigan.

o0o

Nahirapan din ang grupo ng Star Cinema na pumunta ng Australia para mag-shooting ng Love Me Again na nagtatampok kina Piolo Pascual at Angel Locsin. Kakaunti silang pumunta doon, yun lamang mga key persons na kailangan ang dinala kaya pati sina Piolo at Angel ay napilitang magbuhat ng sarili nilang mga gamit dahil wala silang naasahan na gumawa nito. At dahilan din sa isang bulubunduking lugar sila nag-shoot kung kaya pati pagbibihis nila ay nalimitahan din.

Sa regular niyang shooting, mga tatlong ulit nagpapalit ng damit si Piolo, pero sa Australia hindi niya ito nagawa dahil bukod sa minamadali na ang trabaho nila ay wala siyang mautusang magdala o kumuha ng kanyang mga gamit.

Nagulat pa si Angel dahil hindi niya akalain na kakayanin ito ng kanyang sikat na leading man.

o0o

May dahilan naman pala kaya panay ang iwas ni Kim Chiu na magkaro’n ng mas malalim pang relasyon sa kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson. Nag-aalala siya na baka may mangyari sa sobrang closeness nila at ma-jeorpardize ang pagsuporta niya sa kanyang pamilya.

Sinabi niya sa taping ng Tayong Dalawa ng ABS-CBN na kung saan ka-triangle nila ni Gerald si Jake Cuenca na nanay at tatay siya ng kanyang mga kapatid. Apektado sila kapag tumigil siya ng pagtatrabaho.

“Tama na yung MU muna kami, walang commitment at pwedeng ma-link sa iba,” katwiran ni Kim na ayaw din ng regular na ligawan. Okay na sa kanya yung text-text lang. 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

GERALD ANDERSON

ISKUL BUKOL

JAKE CUENCA

JOEY ESCALERA

KIM CHIU

LOVE ME AGAIN

MARIAN RIVERA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with