^

PSN Showbiz

Kasal nina Carmina at Zoren inilihim

-

Kasal na pala sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Wala nga lang detalye na ibinigay ang aktres - kung saan at kung paano sila nagpakasal after ng ilang taong paghihintay. “Akala n’yo lang, hindi pa.Tapos na,” sabi ng actress nang tanungin siya tungkol sa isyu ng pagpapakasal nila ng aktor na ama ng kanyang kambal sa launching kahapon ng Bioderm soap. (Kasama sa nasabing commercial ang kambal na sina Mavy at Cassy.) Pero definitely Christian wedding daw ang naganap.

Sayang at hindi kasama ni Carmina ang kambal sa presscon dahil aware naman pala ang dalawang bagets na kumikita sila ng datung sa mga ginagawa nilang commercial. Pero hanggang commercial lang ang puwedeng gawin ng kambal at hindi muna ito puwedeng mag-apir sa mga TV shows.

Anyway, matagal na ring maraming naiinip sa pagpapakasal nila. At least ngayon makukuntento na ang marami.

Nagkaroon ng chance noon na nag-concentrate si Zoren sa pagiging pastor sa Ang Dating Daan pero ngayon ay may sarili na rin siyang commecial kasama rin ang kambal.

Nakakatuwa rin ang nangyari sa career ni Carmina dahil kung kailan siya nagkaanak, saka mas naging bongga ang career niya.

vuukle comment

ANG DATING DAAN

BIODERM

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

KASAL

KASAMA

MAVY

NAGKAROON

PERO

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with