^

PSN Showbiz

Marian nagta-trabaho kahit naka-wheel chair

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tuloy ang trabaho ni Marian Rivera kahit naka-cast at naka-wheel chair ang kanang paa dahil na-fracture nang matapilok sa pagtakbo dahil natakot sa ka-ek­se­nang kapre sa Nieves episode ng Shake, Rattle & Roll X. Mabuti’t one day na lang ang shooting niya rito at two days sa Desperadas 2 at pa­uu­puin na lang siya sa mga natitira niyang eksena.

Pagkatapos nga ng blowout dinner ng One True Love, nag-dubbing pa siya para sa Desperadas 2 at bubuhatin na lang dahil four days siyang bawal maglakad at three to four weeks namang naka-cast ang kanang paa.

Dahil hindi makakasayaw, sabi ni Dingdong Dantes, siya na lang ang sasayaw sa dance concert nila sa Shrine Auditorium sa L.A. sa December 6, at kakanta na lang si Marian na nakaupo. Magka-loveteam nga ang dalawa’t a few months ago, ang kanang braso ng actor ang naka-cast dahil na-fracture rin sa isang eksena sa Dyesebel.

Sabi ni Dingdong, ang GMA-7 at si direk Joyce Bernal ang bahalang mag-isip kung ano ang gagawin kay Marian dahil magsisimula na silang mag-taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang sa December 11, pagbalik nila mula sa States dahil magpa-pilot ang bago nilang soap sa February 2, 2009.

* * *

Naluha si Sen. Jinggoy Estrada nang tanu­ngin tungkol kay Rudy Fernandez sa presscon ng Magkaibigan na inspired ng friend­ship nila. Umiyak din siya nang kunan ang death scene ni Christopher de Leon sa movie dahil nag-flashback sa kanya nang magpaalam si Daboy.

“Ang hirap i-acting ang eksenang ‘yun dahil naranasan ko, lalo na nang sabihin ni Boyet na “pagod na pagod na ako” dahil ‘yun mismo ang sinabi ni Daboy. Hindi kami nag-usap ni direk Joey (Reyes), pero nasulat niya ng tama. Re-enactment lang ang ginawa namin ni Boyet,” kuwento ni Jinggoy.

Aminado si Jinggoy na kabado siyang ka-eksena si Boyet dahil magaling itong actor, pero wala naman pala siyang dapat ikatakot dahil para kay Boyet, magaling din siyang actor.

Heto ang buong pahayag ni Boyet patungkol kay Jinggoy: “Pareho kaming intimidated, pero nawala nang nagsu-shoot na kami, Jinggoy is very down-to-earth, he’s a good actor at natural ang batuhan namin ng lines. Kung nagpasikatan kami, walang mangyayari sa eksena. Para kaming matagal nang magkaibigan talaga.”

Revelation din ang inamin ni Jinggoy na hindi siya nagbabasa ng script and the only time na nagbasa siya ay nang gawin ang Katas ng Saudi at itong Magkaibigan dahil natakot siya kay direk Joey at baka sigawan siya sa shooting.

* * *

 Muling ipinakita ni Keempee de Leon ang picture ng kanyang inspirasyon at nililigawan na naka-store sa kanyang cellphone. Beautiful ang 21 year-old Fil-Spanish-Canadian na nakatira sa Hali­fax, Canada. Sa Facebook sila nagka­kilala at online niya ito nililigawan at mag­kikita pa lang sila ‘pag dumating ang girlash sa summer.

Sa halip na pressure, pagmamalaki at very honored si Keempee na maging anak ni Joey de Leon at makasama sa reunion movie na Iskul Bukol…20 Years After. Kahit siya, gulat sa bilis mag-isip nito at iba ang pagka-witty at higit sa lahat, bilib siya sa sipag magtrabaho ng ama who is 62 years old na pala at ang kasipagan nito ang gusto niyang manahin. Hindi raw ito tumitigil at kahit rest day, nagsusulat at kung anu-ano ang ginagawa.

Samantala, sabi ni Keempee, patuloy na subay­bayan ang Lalola dahil marami pang gagawin si Gary (ang character niya) na mga nakakatawa.

* * *

Ngayong Friday episode ng Moms na Yeheey! Pasko Na, aalamin nina Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes kung paano nagsi-cele­brate ng Pasko ang mga nasa ala­nga­ning edad, hindi na mga bata at hindi pa adult.

 Guests sina Isabelle de Leon, Kiray at Krystal sa Moms na napapanood sa Q-11, 5pm., Monday to Friday.

vuukle comment

AKING TADYANG

ANG BABAING HINUGOT

BOYET

DAHIL

JINGGOY

KEEMPEE

NANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with