^

PSN Showbiz

Sen. Bong tumulong na, napasama pa!

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Sa isang malayang pakikipagkuwentuhan namin kay Senador Mar Roxas ay sinabi ng magiting na mambabatas na iba raw ang Korina Sanchez na napapanood natin sa telebisyon sa Korina Sanchez na nakakasama niya nang silang dalawa lang.

“Maasikaso si Korina, bibigyan ka niya ng panahon na talagang para sa inyong dalawa lang. Masarap siyang magluto, aasikasuhin ka niya, para kang king kapag siya ang kasama mo,” paglalarawan ng pulitiko sa magaling na broadcaster.

Pero pareho lang silang maasikaso sa isa’t isa, nung ganapin ang anibersaryo ng DZMM ay maagang natapos ang programa-selebrasyon, maaga pa kaya dumaan muna kami sa isang restaurant para sa isang masarap na kuwentuhan.

Harap-harapan naming nakita na si Senador Mar ang nagtimpla ng kape para kay Ate Koring, siya rin ang nagserbisyo sa anchorwoman ng inorder nitong sandwich, pakiramdam nga namin nung mga oras na yun ay sumayad sa lupa ang buhok ni Ate Koring sa sobrang kahabaan.

At lagi silang magka-holding hands, aminado naman si Korina na kahit saan sila nandun ay palaging hinahanap ng senador ang kanyang mga kamay. Yun daw talaga ang hilig ng mambabatas, kailangang magka-holding hands sila palagi, marami mang tao sa kanilang paligid o wala.

Yung kuwentong lumutang noon na hindi boto ang pamilya ng senador kay Korina ay isang kathang-isip lamang, produkto na lang yun ng mga kuwento ng mga taong walang magawa sa buhay, dahil tanggap na tanggap ng pamilya ni Senador Mar si Korina.

Kahit ang mga pinsang-buo ni Senador Mar ay kaibigan ni Korina, meron pa nga silang chikahan night, dun sila nagkukuwentuhan nang walang humpay tungkol sa maraming paksa sa ilalim ng araw.

Botong-boto kay Korina si Ms. Judy Araneta-Roxas, ang dakilang ina ng senador, tanggap na tanggap siya sa Bahay Na Puti anumang oras kaya puro kuwentong-kutsero lang ang lumabas noon na hindi kasundo ni Korina ang pamilya ng senador.

Paglalarawan naman ni Korina sa pamilya, “Minsan, makakakita ka ng mga taong hindi lang meron kundi sobra-sobra pa sa buhay, pero walang kayabang-yabang. ‘Yun ang pamilya ni Mar, ganun sila kasimple, hindi na nga naman idinidiin pa ang obvious na.

“Imagine, kaya niya namang bumili ng kahit anong magustuhan niya, pero hindi siya ganun, kung saan siya kumportable, dun siya. Yung watch nga niya, yun ang barometer ko ng kasimplehan niya.

“Ordinary watch lang yun, hindi branded, pero yun ang palagi niyang isinusuot dahil dun daw siya kumportable. Ganun sila kasimple, lahat sila, samantalang alam naman natin kung gaano sila ka-well-off.

“Hindi rin sila mahirap pakisamahan, simple nga lang kasi sila, ang mga ganung klase ng tao ang pinakamadaling pakibagayan,” pagmamalaki pa ni Korina.

* * *

Aminado naman ang kampo ni Senador Bong Revilla na nagbigay sila ng tulong kay Jennylyn Mercado nang manganak ito, may lumapit sa aktor-pulitiko para humingi ng tulong, hindi siya nagkait.

Pero ang ibinigay niyang ayuda kay Jennylyn ay nalalagyan ng ibang kulay ngayon, meron daw silang relasyon, nakakaladkad pa ang pangalan ng senador tungkol sa bagong bahay na binili ng kapanganganak na aktres.

Si Becky Aguila na manager ni Jen na ang sumalo sa usapin, nahihiya ito sa taong nakatulong na nga ay napapasama pa, alam ni Becky ang buong istorya ng nasabing bahay.

“Ibinenta ni Jen yung dating townhouse niya, yung pinagbentahan nun, yun naman ang ipinang-downpayment niya sa new house. Ako ang nag-facilitate nun sa kanya, ako ang nakakaalam kung sino ang binilhan namin ng bahay, labas ang kahit sino sa transaction namin.

“Nahihiya lang ako sa mga taong nadadamay na wala namang kinalaman, huwag naman sanang ganun, pinaghihirapan ni Jen ang mga bagay-bagay na meron siya ngayon,” pagpapatunay ni Becky Aguila.

Ang tanong, meron na ba namang lumapit kay Senador Bong na nabigo? Sa abot ng kanyang maka­kaya ay tumutulong siya, wala siyang pinagdada­mutan, kaya maraming sumusuporta at nagmamahal sa kanya.

vuukle comment

ATE KORING

KORINA

LANG

NIYA

SENADOR

SENADOR MAR

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with