^

PSN Showbiz

Edu tatapatan ni Ogie

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Contrary sa naglabasang issue, hindi naman pala nag-resign sa The Buzz si Tita Cristy Fermin after ng interview ni Boy Abunda kay Tita Annabelle Rama tungkol sa Supreme Court decision sa libel case na isinampa niya against Tita Cristy maraming taon na ang nakaraan.

Pupunta lang daw siyang Canada para magpalamig ng emosyon sa mala-yelong klima ng Canada. “Work ito with Vhong (Navarro) and Vina (Morales). Hindi ako nag-resign anak. Babalik ako,” Tita Cristy said sa isang text message bago siya tumulak papuntang Canada.

Twelve days siyang “magpapalamig” kaya two weeks ding hindi mababasa ang column niya sa Pilipino Star NGAYON (ang Showbiz Mismo) at sa Pang-Masa (PM) (ang Iskandalosa).

* * *

Bisi-bisihan talaga si Ogie Alcasid. Nasa audition pa lang ang Pinoy Idol kung saan siya ay judge, heto’t may bago na naman siyang show sa GMA 7, ang Da Big Show, ang latest noontime show ng GMA 7, na mapapanood bago mag-Eat Bulaga. Maka­katapat nito ang Pilipinas Game Ka Na Ba? Host­ed by Edu Manzano na isa sa malakas kumitang programa ng ABS-CBN ayon mismo sa isang top gun ng Kapamilya net­work. Kaya sigura­dong mala­king challenge ito for Ogie.

Ang format ng show: Naaalala n’yo pa ba ang mga larong tumbang preso, patintero, piko at labanan ng gagamba? Ano kaya ang mangya­yari kung bawat isa sa mga larong ito ay babaguhin at lilikhaing muli para umayon sa panlasa ng mga moder­nong Pinoy?

Sa naturang programa, apat na team na binu­buo ng tatlong miyembro ang maglalaban sa isang serye ng mga larong Pinoy kung saan ang mga elemento ay ginawang dambuhala.

Panoorin ang mga team na patumbahin ang isang higanteng lata habang suot-suot ang higante ring tsinelas costume sa larong Tumbang Preso.

Makikita ang pagtatapatan ng lakas ng mga kina­­­tawan ng mga team na nakasuot ng mga costume na dambuhalang gagamba habang pilit nilang inihuhulog ang kanilang kalaban mula sa tungtungang may taas na 20 feet. At tunghayan ang mga manlalaro na bumubuhat ng mga batong bola na may bigat na 30 pounds sa larong Giant Sungka.

Hmmm, parang nakakaaliw ito. Pero ang pina­ka-grabeng hamon ng Da Big Show ay sa Giant Palayok na kailangang basagin ng mana­nalong team para mapanalunan ang jackpot prize. Kung hindi nila mabasag ang palayok, idadagdag ang premyo sa susunod na araw para lumaki ang jackpot prize.

Meron din silang cheer squad na may 20 miyembro at meron silang moral support mula sa anim na malulusog na dilag na tinaguriang Da Big Girls.

Magsisimulang mapanood ang Da Big Show sa April 21, Monday, before Eat Bulaga.

* * *

Talaga palang intentional na patawa ang mga teasers ng Kapitan Boom, ang bagong super-hero na lilipad sa ABS-CBN!

Nakakaaliw daw talaga ang mga karakter at mga special effects. Ito ang kauna-unahang kengkoy pero sablay na superhero. Bida rito si Jon Avila na parang sunud-sunod yata ang suwerte. Si Jay-R Siaboc ang gaganap bilang Lance, ang binatang nerd na mabait, torpe at allergic sa alikabok. Dahil sa kagustuhang magkaroon ng superpowers, mabibigyan siya ng pagkakataong mag-transform sa isang macho at malakas na superhero na si Kapitan Boom nga.

Kasama rin ang soap princess na si Maja Salvador bilang Melody, ang matalino at palaban na commercial model at love interest ni Lance habang ang gagampanan ng Brazilian model na si Marianna Del Rillo, na sobrang controversial dahil kay Cesar Montano.

Mapapanood ito tuwing Sabado kung saan makakasama rin sina Thou Reyes, Gloria Sevilla at Bembol Roco simula Abril 26 sa ABS-CBN.

* * *

Hindi bagay kay Kris Aquino ang kulot na hair. Sa kanyang bagong commercial kasi, kinulot ang hair niya at iisa ang puna ng marami sa nasabing commercial: Hindi siya dapat nagpakulot.

DA BIG SHOW

EAT BULAGA

KAPITAN BOOM

PLACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with