^

PSN Showbiz

Anak ni Jennylyn may umaangkin na namang iba

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Number one ang Startalk sa hanay ng mga showbiz oriented talk show noong weekend kaya thank you, thank you sa mga nanood ng aming show.

Umabot sa 18.4 % ang rating ng Startalk at 11.2 % naman ang Entertainment Live.

Noong Linggo, nakakuha ng 16.8% ang Showbiz Central at 13.1 % ang The Buzz.

Mataas ang rating ng Startalk dahil pinanood ng madlang-bayan ang phone-patch interview namin kay Gretchen Barretto ang interbyu ni Butch Francisco kay Jennylyn Mercado.

Nagulat pa ako nang malaman ko ang mataas na rating ng Startalk dahil nag-expect ako na sawa na ang mga tao sa mga isyu tungkol kina Greta at Jennylyn.

Newsmaker of the year talaga si Greta dahil pinag-uusapan ang mga drama niya sa buhay.

* * *

Natawa ako sa kuwento na pinagdudahan din si Jacky Woo na ama ng ipinagbubuntis ni Jennylyn Mercado.

Bakit hindi ako matatawa eh very promo ang balita dahil  showing sa susunod na linggo ang pelikula nina Jacky at Jennylyn?

Damay pa nga si Mommy Lydia sa pralala dahil magkaiba ang kuwento nila ni Jennylyn tungkol sa tunay na dahilan ng hindi nito pagsipot sa unang presscon ng Half-Blood Samurai.

Blessing in disguise na wala si Mommy Lydia sa huling presscon ng pelikula ng kanyang anak dahil kung nandoon siya, sure na mangungulit ang mga reporter kung bakit magkaiba ang  kanilang kuwento.

Ang sey noon ni Mommy Lydia, hinarang ni Patrick si Jennylyn sa isang gas station pero ang sey ng kanyang anak, sumama ito kay Patrick sa pagsisimba at kumain pa sila porke gutom na gutom na siya.

Sino ngayon ang nagsasabi ng totoo?  Natatandaan ko na kapareho ng paliwa­nag ni Jennylyn ang explanation ng madir ni Patrick. Ang ibig sabihin, gumigimik si Mommy Lydia na matagal ko nang kilala at wala sa kanyang karakter ang pagiging gimikera!

* * *

Halos magkadikit ang mga labi nina Jolo Revilla at Lovi Poe sa publicity photo ng Kaputol ng Isang Awit.

Pinagkumpara nga ng mga reporter ang litrato nila sa publicity picture nina Glaiza de Castro at Marky Cielo. Ang sey ng mga reporter, mas passionate ang posing nina Jolo at Lovi. Obvious daw na may relasyon na sila. Ganoon?

Hindi ko sasabihin kung girlfriend na ni Jolo si Lovi pero totoong-totoo na in love na in love siya sa girl na kanyang nililiyag. Nililiyag daw o!

* * *

Feeling guilty ako dahil hindi ko agad nabasa ang e-mail na ipinadala ni Eric Morales Lovedorial ng Agora Complex, Navotas City.

Loyal reader ng PSN si Eric at ni-request niya sa akin na i-greet ko ng happy birthday ang kanyang 11-year old friend na si Alona Cubos.

Noong February 26 ang kaarawan ni Alona pero hindi ko agad nabasa ang e-mail ni Eric. Anyway, belated happy birthday kay Alona dahil huli man at magaling, naihahabol din.

Happy birthday din kay Sharon Kasiguran na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan. Nanggaling ang pagbati mula kina Gwyneth Sophia at Gail Shanadine.

vuukle comment

DAHIL

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MOMMY LYDIA

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with