^

PSN Showbiz

Nakarnap na van ni Gloria Romero ‘di pa bayad

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Inamin ni Dingdong Dantes na malaking karangalan para sa kanya ang ibinigay na pagpapahalaga ni Bong Revilla Jr. sa pelikulang Resiklo ng Imus Productions. Naka-box kasi ang pangalan nito sa billing ng poster.

Isang mapagkakatiwalaang sundalo ang papel na ginampanan nito sa Resiklo kung saan very proud ang actor dahil world class ang dating ng movie.

Umalis noong December 1 si Dingdong kasama si Marian Rivera bound for Las Vegas para sa GMA Pinoy TV.

Hindi kaya nagseselos ang kanyang girlfriend na si Karylle knowing na sweet sila ni Marian sa isa’t-isa?

Ayon sa aktor, secure si Karylle sa kanilang relasyon at kahit minsan lang sila magkita dahil sa pagiging busy sa taping ng Marimar ay nanatiling matatag ang kanilang relasyon. Magkasosyo nga ang dalawa sa binuksang resto-bar na hudyat sa pag-iipon sakaling magpakasal sila.

Inspired si Dingdong dahil sa magagandang feedback tungkol sa kanyang  karakter sa Marimar. Ipinagtanggol nga nito ang kapareha at sinabing kahit may negatibong isyu tungkol kay Marian kung saan sinasabing nagbago na ito ng ugali dahil sa tinamasang tagumpay ay wala daw siyang nakikitang pagbabago sa aktres.

* * *

Seventy three na si Gloria Romero pero matalas pa rin ang kanyang memorya. Hindi siya umiinom ng memory pills dahil gumagana pa ang kanyang utak sa pagme-memorize ng script. Healthy living kasi ang pinairal ng veteran actress kaya maganda ang kalusugan at pag-iiisp.

Nag-enjoy siya sa syuting ng Bahay Kubo at masarap katrabaho si Maricel Soriano ayon pa sa respetadong aktres.

Sa kabilang banda hindi pa nito nare-recover anag kanyang Starex van na kinarnap mismong sa harap ng bahay niya sa New Manila. Kaya pinahiram muna siya ng sasakyan ng kaibigang si Ricky Reyes. One year pa lang niyang nagagamit ang sasakyan at di pa ito fully paid ayon pa kay Glo.

Nagpapasalamat nga ito dahil wala namang masamang nangyari sa apong si Chris Gutierrez dahil sakay ito ng van nang harangin ng mga carnapper sa kanilang gate.

vuukle comment

BAHAY KUBO

BONG REVILLA JR.

CHRIS GUTIERREZ

DAHIL

DINGDONG DANTES

GLORIA ROMERO

IMUS PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with