^

PSN Showbiz

Di lang ang mga Manilenyo ang galit kay Pacquiao kundi lalo na si Korina Sanchez

SHOWBIZ MISMO! - Cristy Fermin -

Kahapon nang uma­ga ay kumawala ang emosyon ng premya­ dong news anchor na si Korina Sanchez sa kanilang programa ni Ted Failon sa DZMM. Highblood si Ate Koring, tahasan niyang sinabi na totoong si Pacman ang pinakamagaling na bok­singerong nadis­kubre ng Pilipinas, pero si Manny Pacquiao din ang pina­kamayabang at pinaka­maangas na boksinge­rong nagka­roon ang bansang ito.

May pinagmulan ang komentarista, bi­nalikan niya ang mga araw na pi­nilit brasuhin ni Pacman ang isang network para alisan ng trabaho ang isang re­porter, hindi raw nagus­tuhan ng boksi­ngero ang report nito tungkol sa kandidatura ng People’s Champion nung nakaraang elek­syon.

Ayon kay Ate Koring ay kinausap ni Manny ang ehekutibo ng is­tasyon, isinumbong ang mga ginawa sa kanya ng reporter, na umabot sa pagtatangka ni Manny na tanggalan ng trabaho ang nasabing reporter.

“At alam mo ba, Ted, ang sabi pa ni Manny, eh, palagi raw niyang pinagbibigyan ang re­porter na yun para sa interview, pero binibira pa siya, teka muna!

“Hindi niya dapat isumbat yun sa repor­ter, dahil nagkatulungan lang naman sila. Hindi niya dapat sabihing may utang na loob sa kanya ang reporter na yun, dahil kung tutu­usin, eh, siya pa nga ang dapat magpasala­mat, dahil gumanda ang imahe niya!” ma­diing sabi pa ni Korina.

Napakaraming tu­ma­wag sa amin nang dahil dun, tinatanong kami ng ating mga ka­babayan kung sino ang reporter-komentaris­tang pinag­tang­kaan alisan ng tra­baho ni Pacman, sino raw ba ang taong tinutu­koy ni Korina?

Alam namin ang ka­buuang kwento nun dahil parehong malapit sa amin sina Manny at Ko­rina, pero kahit min­san ay hindi namin ini­labas yun sa alinmang kolum namin, pero dahil nabuk­san na ang paksa ay pwede na naming paki­alaman ang isyu.

Ang reporter-ko­men­taristang tinutukoy ni Korina na pinagtang­kaang ipatanggal sa trabaho ni Pacman ay siya mismo, si Korina Sanchez, kaya niya nasabing si Pacman ang pinakamayabang na boksingerong natuk­lasan ng bansang  ito.

* * *

Tinawagan na kami  nina Manny at Jake Joson nung Huwebes nang hapon para mag­paliwanag ng kanilang panig tungkol sa hindi pagsipot ni Pacman sa selebrasyong ihinanda ng pamahalaang lun­gsod ng Maynila.

Ayon sa kanila ay nakarating ang imbitas­yon sa kanila nung ta­pos na ang laban, hindi na raw maaring isingit pa yun sa kanilang inti­nerary, dahil ang Mala­cañang ang nag-ayos sa kanilang iskedyul.

Dapat nga raw sa­na’y Biyernes nang mada­ling-araw pa ang kani­lang uwi mula sa Las Vegas, pero kinaila­ngan nilang gawing Huwebes yun, dahil aalis daw si PGMA kahapon.

Ayon kay Manny ay walang halong pulitika ang nangyari, matagal na raw nilang plano na ang presscon niya ay gag­anapin sa opisina ng DENR, kung saan si dating Mayor Lito Atien­za ang tagapa­muno.

Hindi rin daw siya pwedeng pumunta dun pagkatapos ng press­con dahil meron pa siyang guesting sa Sis, meron pa siyang ka­ilangang daluhang pag­titipon sa Brent School para sa kanyang mga anak at meron pa raw party para sa kanilang anak na si Princess.

Inuunawa namin ang paliwanag ng kam­po ni Pacman, pero kailangan din naming unawain ang emosyon ng mga Mani­lenyo, lalo na ang mga taong naglaan ng oras para buuin ang dapat sana’y hero’s welcome para sa kanya.

Hanggang ngayon ay negatibo pa rin ang da­ting ni Manny sa ating mga kababayan, lalo na sa mga Mani­lenyo, dahil kinilala raw siyang adopted son ng Maynila at hindi naman adopted son lang ni dating Mayor Lito Atien­za.

Matatagalan pa bago humupa ang is­yung ito, nakalulungkot lang isipin na hindi ang pagtata­gumpay ni Pac­man ang nasentruhan ng publiko, kundi ang lantaran niyang hindi pagbibigay-halaga sa ginawa para sa kanya ng kampo ni Mayor Alfredo Lim.

Sabi pa ng mga text­ers naming, “Dara­ting din ang araw ng pagka­talo ni Pacman, pero ang May­ nila, laging nandito lang. Huwag siyang maya­bang, natuto lang siya ng carabao English, eh, ang hambog-ham­bog na niya!” sabi pa ng ating mga kababayang Ma­nilenyo.

Nakapanghihinayang na tagumpay.

vuukle comment

ATE KORING

DAHIL

PACMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with