^

PSN Showbiz

Erik, iniiyakan pa rin ang dating girlfriend

-

Bihira kaming huma­ galpak ng tawa sa mga comedy film na napapa­nood namin, lalo na kapag local dahil obvious ba, karamihan naman kasing gawa sa atin ay mga corny.  Pero naaliw at na­babaliw kami sa Apat Dapat, Dapat Apat nina Pokwang, Rufa Mae Quinto, Candy Pa­ngilinan at Eugene Do­mingo na idinirek ni Wenn Deramas for Viva Films na co-prod naman ni Peachy (Rufa Mae).

“Kakaiba ang atake ni direk Wenn, say nga niya, it’s a black comedy at worried siya kung tanggap na ng Pinoy viewers ang ganitong klase ng istorya.  Say na­min, panalo ang pelikula, may mga ilang corny scenes, pero sa kabu­uan ay tatawa ka lang nang tatawa at iiyak ka sa tatlong eksena dahil very touching.

“Kaya sa mga mano­nood, magdala kayo ng  box of tissue dahil hindi lang siya pure komedi, may emote moments ang apat na bida at higit sa lahat, kontrolado ni direk Wenn ang pagiging OA nina Rufa Mae, Pok­wang, Candy at higit sa lahat, si Oge (Eugene) na parati na lang stand out sa mga role niya.

* * *

Hindi kami sure kung ie-edit ng mga progra­ mang Entertainment Live at Cinema News One ang pagpupunas ni Erik Santos ng luha niya nang makausap namin sa last press launch ng major concert niyang Erik Santos, Solo at the Coliseum 2007 sa Oct­ober 19 at 8pm kaha­pon, Martes.

Naging sentimental ang binatang singer nang tanungin namin siya tungkol sa real score nilang dalawa ni Rufa Mae Quinto dahil patuloy pa rin silang nakikitang magkasama at nagtata­wagan.

“Hindi ko alam kung nakaka-relate kayo, pero kasi kami ni Peachy, mas­ ki na wala na kami, na-main­tain pa rin namin ‘yung magandang relas­yon namin, pinupunta­han ko pa rin siya kapag malu­wag ang sked ko, tinata­wagan ko pa rin siya parati at talagang Baby pa rin ang tawag ko sa kanya.

“Aminado ako na ma­ hal na mahal ko pa rin siya at nasasaktan ako ka­pag may mga naririnig akong nali-link sa kan­yang ibang lalaki, pero siyempre, wala akong say kasi wala na kami.  Pero hindi pa namin tinu­tuldukan ang relasyon na­min, aminado ako na hoping pa rin ako sa kanya.”

Samantala, nagkaki­ lala na raw sila ni Billy Crawford, ang latest na nali-link kay Rufa Mae sa Celebrity premiere night ng Apat Dapat Dapat Apat.

At ang pangako ni Erik sa amin, kung na­nood si Rufa Mae sa concert ni Billy ay sigu­radong nasa unahan nakapuwesto ang kan­yang ex-girlfriend kapag nanood ito ng concert niya. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

APAT DAPAT

APAT DAPAT DAPAT APAT

ERIK SANTOS

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with