^

PSN Showbiz

Movie  ng Viva sa HK, nagso-shooting

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ilang shooting days na lang pala ay tapos na ang pelikulang Apat Dapat, Dapat Apat star­­ring Rufa Mae Quin­to, Eugene Do­mingo, Pok­wang and Candy Pangilinan under the direction of Wenn De­ramas na sinulat nina Mel Men­doza-Del Ro­sario and Arlene Ta­mayo for Viva Films.

Siguradong riot ang pelikula dahil imagine kung gaano kaga­ga­ling ang apat na ito sa pagpapatawa.

Magkakaibigan ang role nila rito na nagka­tagpu-tagpo ang lan­das nang sakay sila ng bus na muntik nang ma­hu­log sa bangin. Thank God at himala silang naka­ligtas. Doon magsi­si­mula ang ka­nilang friendship at sumumpa silang magi­ging mag­kaibigan for life.

May kanya-kanya si­­lang buhay sa Pilipinas, pero pawang mga hindi sila kuntento kaya ayun, nag-decide silang ma­ging over­seas Filipino worker (OFW) sa Hong­kong.

Doon magsisimula ang riot ng pelikula – nang dumating sila sa HK.

Ayon kay Mr. Vin­cent del Rosario of Viva Films, hindi min­a­dali ang pelikula.

“Ma­ta­gal na namin itong gi­nagawa at hindi mada­lian. Malaki rin ang bud­get namin,” he said sa isang tsikahan noong minsan.

Kwento pa ni Mr. Vincent, hindi lang bas­ta comedy ang pelikula dahil ginamitan nila ito ng special effects para i-enhance ang mara­ming eksena ng katata­wanan.

Walang co-product­ion ang Viva sa Apat Dapat, Dapat Apat.

“Imagine napag­sa­ma-sama namin sina Rufa Mae, Eugene, Pok­wang and Candy. La­hat sila matinik sa comedy plus Direk Wenn,” say pa ni Vincent.

Ang team-up nina Direk Wenn at Mel Del Rosario ang nasa likod ng huge success ng Ang Cute Ng Ina Mo na co-production ven­ture ng Viva and Star Ci­ne­ma ang be­hind din Apat ­Da­­­­pat, Dapat Apat.

Sa Hong­­kong daw ka­sa­luku­yang nagso-shoot­ing ang grupo.

Showing ang movie sa October 10.

* * *

Isang grand tri­bute for Mo­ther Lily Monte­verde ang magaganap sa SOP, to­morrow Sun­day.

Dadagsa ang mara­ming Regal babies na nagkaroon ng career dahil sa kanya, biglang celebration na rin ni Mother ng kanyang birth­day at 44th anni­versary ng Regal En­tertainment.

Last Sunday ang birthday ni Mother pero nanahimik lang siya.

“Actually, the past few years, I haven’t been ce­lebrating my birth­day. When I was told that there would be a special for me on SOP, I was touched and sur­prised,” nasabi na lang ng isa sa matibay na haligi ng local movie industry.

Hindi nga naman kumpleto ang pagiging artista kung walang pelikula at sa TV lang napapanood. Eh siya ang matiyagang mag­bi­­gay ng break sa mga baguhang artista na sooner or later ay su­misikat.

Anyway, isa sa pinu-push ngayon ni Mother Lily si Maja Salvador. Kung sabagay si Maja ang sinasabing susu­nod sa yapak ni Bea Alon­zo. At ang ka-part­ner naman niyang si Jason Abalos ang bagong version ni John Lloyd Cruz. Grabe rin kasi ang chemistry ng dalawa.

Pero hindi sila pu­we­deng ma-in love in real life (Maja and Jason) dahil nang min­sang mag-attempt si Jason na ligawan si Maja, ni-remind agad siya na mag-con­cen­trate muna sila sa kani-kanilang career.

Sayang nga naman kung mai-in love agad si Maja eh ang daming dumarating na projects ngayon.

vuukle comment

ANG CUTE NG INA MO

APAT

APAT DAPAT

DAPAT APAT

DIREK WENN

MAJA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with