^

PSN Showbiz

Wagi ang ‘Paano...’ pero bakit iniyakan  ito ni Direk Joyce?

-

Challenging sa buong cast ng Tiyanaks (Regal Entertainment) ang pelikula at kung ano ang resulta nito sa box office dahil ang naunang Tiyanak noon nina Ramon Chris­topher at Lotlot de Leon ay isang monster hit at ginawan pa uli ni Mother Lily Monte­verde ng spoof kaya naging Anak ni Janice.

Sabi ay part two ang Tiyanaks dahil nga tatlo na silang kumikilos unlike sa part one na iisa lang.  Ang esplika ni direk Mark Reyes sa Tiya­naks ay mga fallen angel ito na pinarusahan ni God at naging ma­samang ele­mento.

Na­mumukod tanging si Lot­lot lang ang nasa original cast ng Tiyanak and the rest ay pawang bago na tulad nina Mark Herras, Jennylyn Mer­cado, JC de Vera, Jill Yulo (na ayon kay direk Manny Valera ay next big su­perstar in Asia), Ryan Yllana, Alwyn Uy­tingco, Karel Marquez, Andrei Felix, TJ Trini­dad, Mika dela Cruz, Nash Aguas at Rica Peralejo.

Aminado si direk Mark na marami rin siyang iniba sa istorya since panga­lawang yugto na ito.

* * *

Gaano katotoo na nag-iiyak daw ang di­rector ng Paano Kita Iibigin na si Joyce Ber­nal sa mga kaibigan niyang direc­tor sa ABS-CBN?

Narinig ng aming source na taga-Dos na hindi raw satisfied ang ilang naka­­panood sa istorya ng nasabing pelikula nina Piolo Pas­cual at Re­gine Ve­lasquez dahil kung saan-saan daw napun­ta ang kuwento.

Hindi naman daw bumaba ang kita ng movie, pero affected daw si Joyce sa com­ments ng mga nakapa­nood.

At dahil depress-de­pressan ang drama ni Bb. Bernal ay niregalu­han daw siya ni Song­bird ng mamaha­ling laptop.

Tinanong naman namin ang taga-Star Cinema tungkol sa isyung ito tungkol kay Joyce pero wala raw silang alam at as far as they are con­cerned, maganda ang kinikita ng Paano Kita Iibigin.

* * *

Hindi pa binabang­git sa amin ng taga-News De­ partment kung sinu-sino ang mga staff ng na­sabing departa­mento ang binigyan ng  memo ni Ma­ria Ressa dahil naglabas sila ng mga pinag-usapan sa meet­ing tungkol sa nalalapit na pagri-re­format ng Magandang Umaga Pilipinas.

Base sa kuwento sa amin, “Mautak tala­ga si Maria Ressa dahil iniiba-iba niya ang kuwento sa bawat taong kausap niya kung sinu-sino ang mga papalit kina Julius Ba­bao at Tintin Ber­sola as main hosts para sa ga­nun ay mahuhuli niya kung sinu-sino ang mga naglabas ng isyu.  Against nga naman ‘yun sa code of ethics ng nasabing department.”

As of this writing ay hindi pa pala sure si Edu Manzano as main host ng programang kapalit ng MUP dahil malaki raw ang hinihinging talent fee ng manager ng aktor/TV host. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALWYN UY

ANDREI FELIX

DAHIL

EDU MANZANO

JENNYLYN MER

PAANO KITA IIBIGIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with