^

PSN Showbiz

Relasyong Jeremy/Karel, hindi pa nagsisimula, naunsyami na!

- Veronica R. Samio -

Unang na-link si Ka­rel Marquez sa anak ni Da King na si  Ronian Poe, at katunayan ay nag­karo’n sila ng relas­yon na hindi naman ga­anong nagtagal at agad ding naputol.

“Batang-bata pa ako nun, mga 17 lang. What­ever I felt for Ronian ay hindi seryoso, kaya si­guro madali ring na­wala. Our relationship lasted for only six months. Wala na kaming komunikas­yon ngayon. Di ko alam kung narito ba siya o nasa States na,” ang paliwa­nag ni Karel sa press launch ng Pati Ba Pintig ng Puso, isang Sine Novela ng GMA7 na kung saan ay gagam­pa­nan niya ang role ng isang kontrabida. Ang series na tinampukan nun nina Sharon Cu­neta at Gabby Concep­cion ay tatampukan na­man nina JC de Vera at Yas­mien Kurdi kasama rin sina Jennifer Sevilla, Kier Legaspi, Marcus Ma­drigal, Maureen Lar­razabal, Chynna Orta­leza, Marco Alca­raz, Arci Muñoz, Sweet Ra­mos at Eddie Gu­tierrez, sa di­reksyon ni Gil Te­ja­da, Jr.

Nga­yon, pa­laging inili-link ang pangalan nila ni Jeremy Marquez at, katunayan, marami ng naniniwala na sila na nga­yon, dahil na­kita si­lang dala­wa sa Bo­racay, ka­ma­kailan la­mang.

“Hindi na­man siya nanligaw sa akin. Mag­kaibi­gan lang kami, the type na kung ta­wa­gin ng ma­rami ay MU.

“Nabaitan lang ako sa kan­ya at na­isip ko na pwe­de pala kami kaya lang, hindi ito nang­yari, in fact cool off ang friend­­ship namin nga­yon,” sabi niya.

At  20, inamin ni Karel na seryosong relasyon na ang hanap niya at gusto niya ay lalaking mas ma­ tanda sa kanya, mga four to six years older. Ideal nga sana si Jeremy dahil eight years ang tanda nito sa kanya pero, maski siya hindi niya alam kung bakit hindi naging sila. Eh inamin niyang lumala­bas sila dati. “In the end I de­cided, na ma­buting friends na lang kami.”

* * *

[email protected]

vuukle comment

ARCI MU

CHYNNA ORTA

DA KING

EDDIE GU

GABBY CONCEP

GIL TE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with