^

PSN Showbiz

Si Janno ang kaaway ni Gladys, pero si Bing ang nakikipaglaban!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Wala sa original cast ng movie version ng Sinasamba Kita ang role ni Bing Loyzaga sa TV remake nito, dagdag ang role niya at walang pinagbabasehan, kaya medyo mahirap. Based na lang sa script ang atake niya bilang si Isabellita sa ibinigay sa pilot ng Sinenovela ng GMA-7 sa April 30, pagkatapos ng Muli.

Si Valerie Concepcion as Nora ang pahihirapan dito ni Bing at sa AVP, ipinakitang binuhusan niya ito ng isang lata ng pintura. Sanay na siya sa ganitong role at ‘di na magugulat ang viewers na muli siyang mapanood bilang kontrabida.

Hindi pala nakaiwas si Bing na tanungin sa nabuhay na isyu kina Janno Gibbs at Gladys Guevarra. Suwabe ito sa kanyang pagtataray, pero nag-react pa rin ang aktres.

"Ano ba ang gusto niya at binuhay na naman ang patay na isyu? Kung na-offend siya, ano kaya ang naramdaman ko? Sino ang magtatanggol sa akin kung ako ang na-offend at mas may karapatan akong ma-offend," panimula nito.

Hindi alam ni Bing kung ano ang nag-trigger ng galit ni Gladys kay Janno. Napanood na lang niya ito sa TV, basta ang alam niya, luma nang isyu ang inereklamo nito at mababaw para ito’y magalit at magbanta pang may ilalabas siyang panama sa asawa kundi ito titigil.

"Hihintayin ko ang ilalabas niya, pero hintayin din niya ang panama ko dahil may pinoprotektahan din ako. Paikutin man ang mundo, asawa pa rin ako ni Janno," pahayag ni Bing.
* * *
Hindi updated ang nag-follow up sa sinulat naming reklamo ni German Moreno sa ‘di niya pagkakasali sa first version ng Station ID ng GMA-7. May mga nagsulat na aaksyunan pa lang ng management ang reklamo, obviously, ‘di nila napanood na agad naglabas ng re-edited version ng Station ID at kasama na ang TV host.

Hindi na nila hinintay na mai-launch ang second version ng Station ID this Sunday sa SOP kung saan dapat kasama si Kuya Germs. Puwede naman palang kasama siya sa first version, hindi pa ginawa, eh kumaway lang naman ang TV host at seconds lang ang itinagal noon.

Three versions ang Station ID at tiyak na lalabas ang lahat ng talents ng Ch. 7 na dumating sa shoot na ginawa ni direk Louie Ignacio.
* * *
Hindi na rin natutuwa si Carla Humphries na everytime nakakausap siya ng press, laging tinatanong ang ex-boyfriend at ang patuloy nilang pagdidedmahan ‘pag nagkikita. Paano nga naman makaka-move on ang ex-couple kung kinukulit ng press? Ha-ha-ha!

Napansin lang namin na nagbago na ng statement si Carla tungkol sa ka-loveteam niya sa Abt Ur Luv na si Victor Basa. Kung dati’y kinikilig siya at inaaming type niya ang binata at gusto niyang maging boyfriend. Ngayon, ‘di na niya priority ang lovelife at ‘di sure kung gusto rin siya ng kapareha.

Para sa kanya, ang pinaka-sweet na ginawa nito’y nang sorpresahin siya at dumating sa Matabungkay Beach sa Batangas noong Holy Week para siya’y bisitahin. ‘Katuwa lang dahil kasama niya that time si Denise Laurel, ang karibal niya sa binata sa Abt Ur Luv.

vuukle comment

ABT UR LUV

ARING

BING LOYZAGA

CARLA HUMPHRIES

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with