^

PSN Showbiz

Director at apo ni Nestor de Villa ang manliligaw ni Toni!

-
Super sweet at magkaho-holding hands sina Jake Cuenca at Roxanne Guinoo habang naglalakad sa hallway ng ABS-CBN pero, kapag may nakakasalubong ay biglang nagbibitiw.

Tinanong si Jake sa press launch ng Sweet Sixty episode ng Love Spell kung bakit itinatanggi nila ni Roxanne ang kanilang relasyon?

"Naku, close lang po talaga kami. Actually, totoong nagkaka-holding hands kami, pero wala po yun. Kaibigan palang talaga kami.

"As of now kasi ay hindi pa yata siya ready to have a boyfriend, pero I admit na nanliligaw ako sa kanya, I like her a lot," pag-amin ng binata.
* * *
Nanibago kami kay Toni Gonzaga nang makatsikahan namin sa 3rd anniversary press-launch ng Wazz Up, Wazz Up dahil tulala ito at nag-aapuhap ng mga isasagot sa mga tanong tungkol sa bagong manliligaw niya na isang kilalang director.

Hindi malaman ni Toni kung paano itatago ang identity ng naturang director dahil nga ayaw daw niyang pangunahan ang mangyayari at ayaw din daw niyang sa kanya manggaling dahil nga off para sa kanya.

Pero makulit kami kaya naman panay ang hampas sa amin ng TV host/actress sa kakulitan namin.

Si direk Paolo Soriano na apo ni Nestor de Villa at nag-direk ng Summer Station ID ng ABS-CBN ang madalas dumalaw ngayon kay Toni kapag tapings ng Wazz Up, Wazz Up.

Aminado si Toni na textmates at nagdi-dinner sila ni direk Paolo at nagkakilala raw sila sa concert ni Gary Valenciano sa Music Museum last December.

At ngayong 2007 ay twice na silang lumalabas at hindi pa nakikilala ng magulang niya ang batang director dahil walang chance, but soon, ipapakilala raw ni Toni si direk Paolo. –REGGEE BONOAN

vuukle comment

GARY VALENCIANO

JAKE CUENCA

LOVE SPELL

MUSIC MUSEUM

PAOLO SORIANO

ROXANNE GUINOO

TONI

WAZZ UP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with