^

PSN Showbiz

Paano gugunitain ng mga artista ang Holy Week?

RATED A - Aster Amoyo -
Ngayon ang alis nina Piolo Pascual, Rica Peralejo, Sam Milby at Pokwang para sa shows nila sa Chicago at Las Vegas. Tinawanan na lamang ni Piolo ang tanong sa kanya na baka may kumuha na naman ng picture nila ni Sam at pagkatapos iba ang lalabas sa internet. Kaya nga raw sa ASAP ’07, nagbibiruan na lamang sila nina Sam at Erik Santos na magpo-pose sila at kuhanan na sila para hindi na sila mahirapang magretoke ng picture. Two weeks din daw siyang mawawala. Manonood daw siya ng Les Miserables ni Lea Salonga sa Broadway at mag-i-stay siya ng two to three days with his family sa Los Angeles. Pagbalik daw niya rito, just in time para mag-promote sila ni Claudine Barretto ng kanilang first teleserye sa ABS-CBN, ang Walang Kapalit. May gagawin daw silang movie ni Toni Gonzaga pagkatapos nitong mag-host ng PBB 2.
* * *
Ganoon na raw ba talaga ka-close sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid? Bago kasi natapos ang SOP last Sunday, may game silang ginawa na sasayaw sa newspaper ang magkakaparehang sina Regine at Ogie, SS 4 winners na sina Mart Escudero at Kris Bernal, Aljur Abrenica at Jewel Mische, Karylle at Gian Magdangal, Jolina Magdangal at Dennis Trillo. Pag-stop ng music, kahit isang buong newspaper pa ang sinayawan nina Regine at Ogie, mahigpit na silang nagyakap, sabi tuloy ni Jaya, "Regs and Ogie, laro lamang ito," habang ang iba ay hindi naman ganoon ang ginawa. Disqualified na nga sila dahil hindi nakaya ni Ogie si Regine buhatin na naka-tip toe siya sa 1⁄4 size newspaper, sumali pa rin sila dahil gusto raw nila, ending, hirap na hirap si Ogie na kargahin si Regine.
* * *
Paano palilipasin ng ilang artista ang Holy Week? Si Rainier Castillo, reunion ng family niya sa General Trias, Cavite dahil dumating ang isang pinsan niya from the States. Birthday tomorrow ni Gian Carlos, pero umuwi na siya sa Iloilo last Saturday para doon na mag-birthday at mag-Holy Week. Umuwi na sina Assunta de Rossi and husband former Congressman Jules Ledesma at tuloy na sila ng pangangampanya dahil muling kumandidato si Jules as Congressman ng first district ng Negros. Sa Batangas vacation house nina Denise Laurel siya pupunta kung wala silang taping ng Abt Ur Luv ng Star Magic at isasama raw niya sina Carla Humphries at Gabriel Valenciano na taga-Batangas din. Isasama naman ni Pauleen Luna sa Hongkong ang kanyang family hanggang Holy Thursday. Sa Boracay naman pupunta si Jeremy Marquez with his family. Sa Boracay din si Cristine Reyes mula April 5 to 8 with some friends. Si Alfred Vargas, sa Sta. Maria, Bulacan muna then sa Thursday to Saturday, pupunta sila ng Surigao City na bayan ng kanyang Mommy.

Sina Ryza Cenon, Yasmien Kurdi, LJ Reyes, Mike Tan, Diether Ocampo, sa bahay lang nila sila magpapalipas ng Holy Week. Si Dennis Trillo, stay home lamang pero sa Holy Saturday, pupunta siya ng Hongkong dahil may raket daw siya roon at sa Tuesday, April 10, na siya babalik ng bansa.

vuukle comment

ABT UR LUV

ALJUR ABRENICA

HOLY WEEK

OGIE

SA BORACAY

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with