^

PSN Showbiz

Milyones ang TF ni Tyra Banks para papuntahin dito ng PNTM

- Veronica R. Samio -
Solar Entertainment, producer ng reality show na Philippines Next Top Model, palabas sa RPN 9 every Tuesday, 8:30-9:30 NG, is negotiating to bring to the Philippines si Tyra Banks, host ng America’s Next Top Model at isang top model bagaman at medyo mahihirapan sila sapagkat mataas ang TF ng nasabing personality. Sa mga guesting pa lamang nito sa US ay umaabot na ng milyon ang hinihingi nito, dito pa kaya sa napakalayong bansa ng Pilipinas? Pero, ayon nga kay Ms. Susan Trinidad, isang exec ng Solar Entertainment, susubukan nilang madala ito rito.

Samantala, nagiging mas kapana-panabik na ang PNTP na hosted by Ruffa Gutierrez dahil yung mga nagsimulang participants na nakuha rito ay nagkaro’n na ng malalaking changes. Hindi na sila halos makilala ng mga viewers na sumusubaybay sa programa sa simula pa nito. Pero, ito naman talaga ang layunin ang PNTM, ang makalikha ng isang super model, mula sa isang ordinaryong babae.

Magkakaro’n ng formal launching ang 14 na participants sa The Fort, ngayong gabi.
* * *
Napaka-swerte naman ni Kristofer Cruz, isang baguhang artista at napapanood sa mga palabas ng GMA7. Pinalad itong mapasama sa main cast ng isang Japanese movie na dito ginagawa sa Pilipinas, ang Badguy Joker. Isa itong action movie na pinagbibidahan ng ilang sikat na Japanese actors tulad nina Hitoshi Ozawa, Shu EharaB at Shion Machcida sa direksyon ni Muroga.

Maraming ar4tistang lokal ang kasama sa movie, tulad nina Archie Adamos, Ricardo Cepeda at stage actor na si Jan Gomez.

Si Kristofer na alaga ni Jojo Veloso ay nag-training sa mga action stunts at cinematic fighting. Wish lang nito ay dumami pa ang mga daenyuhang filmmakers na pu_punta ng bansa para mabigyan ng pagkaka_taon ang marami pang bagu_han na tulad niya.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ARCHIE ADAMOS

BADGUY JOKER

HITOSHI OZAWA

JAN GOMEZ

JOJO VELOSO

SOLAR ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with