^

PSN Showbiz

Keanna, isasama sa France ng dyowa

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ang ganda sana kung parehong darating sina Piolo Pascual at Ryan Agoncillo sa 4th Golden Screen Awards ng ENPRESS o Entertainment Press Society sa March 17. Magkalaban ang dalawang actor sa Best Performance by an Actor in a Leading Role-Musical or Comedy at tiyak na aabangan ng manonood sa AFP Theater kung iko-congratulate ng bawat isa ang winner.

Si Piolo ay nominated sa pelikulang Don’t Give Up On Us at si Ryan ay sa Kasal, Kasali, Kasalo both from Star Cinema. Si Judy Ann Santos ang leading lady ng dalawa na nominated naman sa Best Performance by an Actress in a Leading Role-Musical or Comedy for KKK.

Sa contract signing ng movie nila ni Judy Ann sa Regal, masaya si Ryan sa kanyang first acting nomination. Hindi siya nagi-expect manalo at masaya na siya sa magandang review ng acting niya sa KKK. Hinihintay niya ngayon ang shooting nila ng gf at sana raw, hindi magbago ang isip ni Mother Lily.

Samantala, ipinaaalam din ng ENPRESS na sa March 6 na ang nomination night at inaasahan ang pagdalo ng lahat ng nominees. Venue to be announced.
* * *
Kahit ayaw naming maniwala, ipinagdiinan ni Keanna Reeves na wala silang talent fee ni Pooh sa TV ad ni Mike Defensor. Kapag nanalo na lang daw ito sila hihingi ng balato na ‘di naman sinabi kung magkano.

Ang nakakatawa, pati si Keanna ay hinimok tumakbong konsehal sa Valenzuela, Bulacan na kanyang tinanggihan dahil sabi ni Boy Abunda, ‘di pa time para siya’y mag-politics. Saka, kung tatakbo siya ay sa Danao, Cebu na kanyang pinanggalingan.

Incidentally, narito ang French boyfriend ni Keanna na si Sofian Ait. Bukod sa gwapo, maraming natututunan sa kanya ang komedyana. Nagi-improve ang kanyang English at unti-unting natututo ng French dahil binigyan siya ng French book. Heto pa, niyaya siya nitong magbakasyon sa Lyons, France. Kaya n’yo ‘yan!
* * *
Ngayong Monday episode ng Moms entitled Help! Help Me Help My Child, ituturo kung paano mag-respond sa emergency sa bahay. Kung sino ang unang dapat kausapin at kung saan pupunta para humingi ng tulong.

Guests sina Cherry Pie Picache, Isay Alvarez at Anna Villar. Si Ryllah Berico ang episode writer. Makakakuha rin ng tips kung paano mag-iingat para makaiwas sa aksidente sa bahay.

vuukle comment

ANNA VILLAR

BEST PERFORMANCE

BOY ABUNDA

CHERRY PIE PICACHE

KUNG

LEADING ROLE-MUSICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with