^

PSN Showbiz

14 years old nang unang lumabas sa bold movie

- Veronica R. Samio -
Mara Altiera ang pangalan niya, isa sa tatlong baguhang tampok sa pelikulang Troika ng Daven Productions International na first directorial ni Ihman Esturco. Bagaman at 14 na taon pa lamang siya nang una siyang lumabas sa isang bold movie na iba pa ang kanyang pangalan, hindi pa rin naging palagay ang loob ni Mara nang una siyang humarap sa kamera para sa shooting ng Troika kasama ang mga co-actors niyang sina Andre Soriano at Jamil Basa.

Naramdaman niya na apektado ang dalawang lalaki sa kanilang eksena. Nadadala nila siya. Sa kalaunan ay nawala rin ito, nagawa nila ang mga eksena nilang halikan nang walang nakakaramdam ng anumang pagkabalisa at ang kawalan nila ng saplot sa katawan ay hindi na rin nagbigay sa kanila ng problema.

Eighteen na ngayon si Mara kaya mas okay na sa mga maiinit nilang eksena sa Troika.

"Hindi na ako nahihiya, nakatulong siguro yung pagkakaro’n ko ng karanasan sa buhay," paliwanag ni Mara na katatapos lamang mag-aral ng high school bagaman at inamin niyang hindi siya pinayagan ng kanyang parents nang magpaalam siya para gawin ang Troika.
* * *
"Obsession" naman ang titulo ng 3rd album ni Rachelle Ann Go sa Viva Record na ang nagprodyus ay si Christian de Walden ng Hollywood na karaniwang nakikipagtrabaho sa mga leading pop stars sa Spain, Italy, Mexico at US. Ito rin ang nagprodyus ng "Becoming" album ni Sarah Geronimo.

Unang gumawa ito ng song para kay Rachelle Ann sa "I Care" album nito. Sa kanya yung hit single na "If You Walk Away". Masyado itong na-impressed kay Rachelle kaya nagpasyang isang buong album na ang gawin niya na nakatakda ring ipamahagi sa abroad.

Ang lumabas ay ito ngang "Obsession" na may 13 originals na bigay ng mga songwriters from Europe, US at Philippines. Magkahalong Latin at Euro ang tunog ng album na nagbigay ng maturity kay Rachelle Ann, tulad ng "Don’t Say Goodbye", "And Me and You", "Alam Ng Ating Mga Puso", "This Must Be Love", "Come One Day", "I Will Always Love You Anyway", "Walk Into My Life", "And You Love Me", "My Forever Love" at marami pang iba.

Bukod sa kanyang Valentine concert with Christian Bautista sa Feb. 13 sa Aliw Theater, (You and Me), mapapanood si Rachelle Ann sa SM Clark, (Peb. 18), SM Lipa (Peb. 24), SM Dasmariñas (Peb. 25), SM Molino (Mar. 3), SM Batangas (Mar. 4), SM Lucena (Mar. 10) at SM Baguio (Mar. 17). Aawitin niya rito ang mga cuts from "Obsession".
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALAM NG ATING MGA PUSO

ALIW THEATER

ANDRE SORIANO

CHRISTIAN BAUTISTA

COME ONE DAY

DAVEN PRODUCTIONS INTERNATIONAL

I CARE

PEB

RACHELLE ANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with