^

PSN Showbiz

Rustom, di kayang panoorin ni Robin sa Zsa Zsa Zaturnnah

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa aking source na nandun sa premiere night ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh ay napakaganda ni Rustom Padilla na gumanap na Ada. Nakasuot pa ito ng gown at kuntodo make-up na parang tunay na babae. Kasama niya ang ina at mga pamangkin na sumuporta sa kanya.

Pero sinabi rin nito na hindi makayang panoorin ng kanyang mga kapatid na lalaki laluna si Robin Padilla ang pagiging babae nito sa pelikula kaya wala sila.
Alwyn, Magtatapos Ng Pag-Aaral!
Kasama rin sa ZZZ ang guwapong aktor na si Alwyn Uytingco. Tapos na ito ng high school sa ABS-CBN Distance Learning Center at ngayon ay mag-e-enrol sa college.

Gusto ni Alwyn na kumuha ng Computer Engineering at magtayo ng internet cafe. Kahit nag-break na sila ng dating girlfriend na si Jill Yulo ay nanatili naman ang kanilang mabuting pagkakaibigan at araw-araw ay may komunikasyon pa rin sila.

Kasama ito sa Maria Flordeluna na isang bagong soap opera sa Dos.
P1.5m Para Sa Press
Hindi kami magtataka kung bakit maganda ang karma ni Richard Gutierrez dahil bukod sa pagiging mabait sa pamilya ay marunong din itong magbahagi ng biyayang natatanggap niya.

Katunayan, nagbigay ito ng sariling Christmas party para sa press at kitang-kita mo ang sinseridad nito sa pakikisalamuha sa mga kapatid sa panulat.

Umabot ng kalahating milyon ang ipina-raffle nito ayon sa magandang mommy nito na laging nakasuporta kay Richard. Malalaki ang mga prizes na kinabibilangan ng TV, ref, aircon at marami pang iba.

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

COMPUTER ENGINEERING

DISTANCE LEARNING CENTER

JILL YULO

KASAMA

MAGTATAPOS NG PAG-AARAL

MARIA FLORDELUNA

PARA SA PRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with