^

PSN Showbiz

Walang lalaki si Rustom!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Habang pinagmamasdan namin si Rustom Padilla sa trailer ng ZZZ at sa poster bilang si Ada ay napuna ng mga press people na kahawig siya ng inang si Eva Cariño.

Sasama sa Parade of Stars ang aktor na naka-costume ng Ada gayundin din daw sa Awards Night.

Nang tanungin kung ano ang similarity nila ng mga kasamang sina Pops Fernandez at Zsazsa Padilla ay sinabing masaya ang dalawa.

"Ako luhaan dahil wala pa akong nahahanap para maging masaya ang aking lovelife," aniya.
Mini, Nanakawan Habang Nagsusyuting
Naikwento ni Mini Aguilar na kasama sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh na hindi niya malilimutan ang pelikula dahil habang nagsusyuting ito sa Pagsanjan ay pinasok ang kanyang bahay kung saan nakulimbat ang mga gamit at alahas niya na nagkakahalaga ng P300,000 na kinita niya mula sa pagiging singer sa Japan. Kadarating lang ng kanyang anak mula sa eskwela nang maganap ang insidente.

Nawala rin ang kanyang perang pinagpaguran nun dahil sa pyramid scam kung saan nag-invest ito ng P1.5M. Hindi niya kinukuha ang tubo kaya inabot ng P2.2 M. Halos maloka ito dahil sa nangyari kung saan nagkulong siya sa kuwarto at walang gustong kausapin.

Nakabawi lang si Mini dahil sa mga shows nito sa abroad.

"Mabuti na lang at may pelikula akong ginagawa ang ZZZ. Asawa ko si Christian Vasquez sa pelikula na laging lasing at kahit mukha akong bruha ay tigas ng kaseselos niya sa akin," sey nito.

Hindi naman ito nababakante sa mga soap opera. Katunayan, kasama siya sa Flordeluna bilang yaya ni Eliza Pineda. Produkto si Mini ng Repertory Philippines at nabigyan ng malaking break sa Mara Clara na naging simula ng pagiging aktibo sa showbiz.

Gustong magtapos ng fine arts

Naghahanap pa ng school si Rica Peralejo para kumuha ng entrance examination dahil pangarap nitong makapagtapos ng kursong Fine Arts. Nakakuha na ito ng entrance test sa St. Benilde para kumuha ng MultiMedia Arts.

Naniniwala kasi ang magandang aktres na hindi panghabang panahon ang pag-aartista kaya gusto niyang may fall back sakaling dumating ang araw na hindi na siya abala sa showbiz.

Sa kabilang banda, magiging abala sa promosyon ng Matakot Ka Sa Karma si Rica at pang-apat niyang pelikula ito sa Canary Films.

vuukle comment

ADA

AWARDS NIGHT

CANARY FILMS

CHRISTIAN VASQUEZ

ELIZA PINEDA

EVA CARI

FINE ARTS

MARA CLARA

MATAKOT KA SA KARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with