^

PSN Showbiz

Juday, iiwan ang career ‘pag nagpakasal kay Ryan!

-
Kapag tinangkilik ang MMFF entry ng Star Cinema na Kasal Kasali Kasalo starring the real life tandem of Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, hindi lamang dahilan sa napakaganda at napakasayang trailer ng kanilang pelikulang pinagsasamahan sa unang pagkakataon kundi dahilan na rin sa mga nakakakilig na relationship. Feeling nga ng mga dumalo sa presscon ng nasabing movie ay napakahaba ng buhok ni Juday dahil di na itinatago ni Ryan ang matinding pagmamahal nito sa kanya. On the other hand, napaka-swerte ring maituturing ni Ryan sapagkat kaya palang talikuran at iwan ni Juday ang kanyang matagumpay na career para lamang maalagaan siya at ang magiging mga supling nila (tatlo ang gusto ni Juday at dalawa si Ryan) kapag nagpakasal na sila. Yun nga lamang sigurado silang dalawa na marami ang magtatampo kapag dumating ang araw na magpapaksal na sila dahil, gusto nila ay very private ito at walang coverage. "But we will share it with everyone," sabay nilang sabi.

Obvious na gamay na ni Joey Javier Reyes ang mga pelikulang tulad ng Kasal Kasali Kasalo dahil nakagawa sila ng ilang napakasayang pelikula na sinasabi ng marami na magiging isang force to reckon with sa takilya at maging sa awards.
* * *
Si Dulce at ang Filipino tenor na si Otoniel Gonzaga ang magbubukas ng Great Performance Series bukas sa Philamlife Auditorium, 8NG. Makakasama nila ang Manila Philharmonic Orchestra sa baton ni Rodel Colmenar.

Para sa tiket, tumawag lamang sa 9007023/ 09065104270. Lahat ng nagbabasa ng column ko ay bibigyan ng 10% discount sa takilya.
* * *
Limang taon na ang negosyong buy & sell ng mga top of the line na sasakyan nina Allen Dizon at Roland Roqueobuy na tinawag nilang Line auto Sales & Insurance Agency na nasa Cagayan Valley Rd. Tabang, Plaridel, Bulacan. Nagbukas sila ng main branch showroom sa Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, Bul nung Nob. 22 na dinaluhan ng mga kaibigan ni Allen sa showbiz, mga entertainment writers at dealers.

Nagbibigay sila ng easy payment scheme, pwedeng company at bank loans, trade-ins at in-house financing na magbibigay din sila ang freebies at gcs (gift certificates.)

Sa kabila ng matagumpay niyang negosyo, di iiwan ni Allen ang kanyang pag-aartista. Katatapos lang niya ng Pinakamamahal, isang soap opera ng GMA7 sa direksyon ni Bibeth Orteza.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALLEN DIZON

BIBETH ORTEZA

CAGAYAN VALLEY RD

GREAT PERFORMANCE SERIES

INSURANCE AGENCY

JOEY JAVIER REYES

JUDAY

KASAL KASALI KASALO

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with