^

PSN Showbiz

Kaso ni Nida Blanca, kakalimutan na lang?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Nakakalungkot ang balita na diumano, nagbitiw na ang buong prosecution team na humahawak sa kaso ng pagpaslang sa aktres na si Nida Blanca dahil sa pagtanggi ng kanyang anak na si Kaye Torres na makipagtulungan sa kanila. Talagang tumatanggi naman si Kaye dahil ang itinuturo nga nilang isa sa primary suspect at pilit na pinaaamin sa krimen ay si Elena na matagal nang katiwala at tumatayong secretary ng aktres.

Hindi makapaniwala si Kaye na si Elena ay makikipag-sabwatan kanino man para patayin ang kanyang ina.

Hindi naman sa kani-kanino, pero maski na nga iyong bintang nila na si Rod Strunk ang may kinalaman sa pagkakapaslang kay Nida, pinagdududahan din namin eh. Kasi ano nga ba ang magiging pakinabang ni Strunk kung mamatay si Nida, eh alam niyang wala naman siyang makukuha roon?

Pero habang buhay si Nida, siya ang kinikilalang asawa at maaari siyang makinabang.

Pero ganoon na nga lang ang nangyari, ngayon matapos ang kung ilan taon din namang kung anu-ano ang sinasabi nila, at sa pangakong sa loob lamang ng dalawang linggo ay makapagsasampa sila ng demanda laban sa mga pumaslang sa aktres, hayun at nag-resign na lang ang buong prosecution team.

Sa nakikita namin, wala nang mangyayari sa kasong yan, at hindi na mabibigyan ng katarungan ang pagkakapatay kay Nida. Pero kung iisipin mo, hindi lang si Kaye ang factor doon. Tungkulin ng gobyerno na hanapin ang mga tunay na kriminal na pumaslang kay Nida. Kung iisipin din, at buo ang kanilang paniniwala na si Strunk nga ang may kagagawan noon, hindi ba sila rin naman ang pumayag na lumabas sa bansa si Strunk?

Palagay namin tungkulin ng mga prosecutors na tapusin ang kaso, pero ngayong nagbitiw na sila, eh ano nga ba ang mangyayari pa?
* * *
Ilang linggo ring mawawala si Kuya Germs. Pupunta kasi siya sa US para sa ilang shows at sa promo ng Pinoy TV roon. Pagbabalik niya ay haharapin naman niya ang kanyang birthday celebration sa kanyang Walang Tulugan, na ngayon pa lang ay inihahanda na ng kanyang staff.

Bukod doon, mayroon siyang sariling show na siya ang producer, yon ay ang Vodavil, na gaganapin naman sa Club Mwah sa October 5. Itatampok doon ang mga kilalang stars ng vaudeville noong araw, at mga mahuhusay na kabataang artists. Yan ay bilang tribute sa vaudeville kung saan nagsimula si Kuya Germs, at tribute din naman sa master showman mismo ng kanyang mga kasamahan.
* * *
Muli na namang kumakalat ang nude photo ng isang sikat na young female star na kuha raw sa cellphone ng dati niyang boyfriend. Kumalat na yan noong araw eh, nahinto na, ngayon kumakalat na naman.

Naaawa kami sa young female star na yan. Kung kani-kanino nga siya inili-link ngayon para magmukha siyang desireable sa mga kalalakihan. Lahat naman ng lalaking ini-link sa kanya ay nagde-deny. Yon pala, kaya raw nagde-deny ang mga yon ay dahil sa kumakalat niyang nude photo na labas ang boobs, sa mga cellphones.

vuukle comment

CLUB MWAH

ELENA

KAYE TORRES

KUYA GERMS

NAMAN

NIDA

PERO

STRUNK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with