^

PSN Showbiz

Uma Khouny: Yes to gay roles, no to kissing another man!

- Veronica R. Samio -
Bagaman at isa lamang si Uma Khouny sa nagtangkang mang-rape kay Rufa Mae Quinto na naging dahilan para mamatay ito at paghigantihan sila nina Paolo Contis at Carlos Agassi, si Uma ang talagang binati ng maraming nakapanood ng premiere showing ng Oh My Ghost ng OctoArts Films sa Cinema 10 ng Megamall nung Martes ng gabi.

"Pinahirapan ako ni Carlos sa pelikulang yun," panimula ng Lebanese actor na nakahinga na ng maluwag sa pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Israel at Lebanon dahilan sa nasa Israel ang kanyang pamilya bago pa magsimula ang giyera. Sinabi rin nitong medyo makulay ang buhay niya dahil Muslim ang ama niya, Kristiyano ang ina niya at nakatira silang mga Lebanese sa bansa ng mga Jews. "Pero, sa susunod naming pelikula, babawian ko si Carlos," natatawang banta nito.

Grateful ito sa pagkakasali niya sa Pinoy Big Brother kahit di siya nanalo dahil "I’ve discovered I could act, I could host. I just need to study more Tagalog which I think is very mahirap."

Masaya siya na pinupuri ang acting niya sa Oh My Ghost. "It brought out my comic talents. I just hope that I will get more movie roles dahil gusto ko talaga magkaro’n ng BMW pero, di kaya ng kita ko. Ayaw ko namang humingi sa dad ko because it will just give him more reason para kunin ako para magtrabaho sa kanya."

When asked kung papayag siyang tumanggap ng gay role, sinabi niyang "Why not, it’s just a role pero ayaw ko ng kissing scene with another man. But I will consider it if the price is right, perhaps P2M, at smack lang yun," sabi niya adding that the huge amount is meant to discourage producers to offer him a kissing scene with the same sex.

Aside from co-hosting Sharon, kinuha rin si Uma para mag-co-host ng Trip Na Trip na nasa 2nd season na. Dati sina Katkat de Castro at Franzen Fajardo lamang ang mga hosts ng nasabing show pero obviously, di nakayang mag-isa ni Franzen ang trabaho kung kaya nadagdag sina Uma at Jayson Gainza. "Para mas masaya," katwiran naman ni Katkat. Mapapanood ang show Sundays midnight simula sa Agosto 20.

"Kumain ako sa show ng uod. Kung nasa Bahay ni Kuya ako, di ko to gagawin. Di ko nga kinain nun ang balut pero, sa Trip na Trip di lang uod ang kinain ko, pati balut," sabi niya.
* * *
Dati alalay lamang si Danita Paner ng ate niyang si Tina, lalo na nung myembro pa ito ng That’s Entertainment.

Hindi na ngayon. Matapos mawala ang show ni Kuya Germs na tumagal din ng 10 years at mag- asawa ang kanyang kapatid at mamalagi na sa Barcelona, Spain ay nag-concentrate si Danita sa kanyang pag-aaral. Pero, kasabay nito ay nagbanda rin siya kasama naman ang anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyzza Gibbs. Sa mga school programs lang tumutugtog ang banda nilang Phase One. Dito siya nahasa ng husto at naging isang professional singer.

Magkakaro’n siya ng major concert sa Music Museum na pinamagatang Danita on September 14 kasama sina Sam Milby, Monty ng Mayonnaise, Tutti ng Protein Shake, Jeff ng Soapdish at si Piolo Pascual. Producers ang Backroom at si Cong. Butch Pichay. Para sa ticket, tumawag sa 4351120.
* * *
Buhay ni Alyssa Alano (nee Geramie Daud) ang palabas ngayong gabi sa Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Kilala na ng lahat si Alyssa na nagpauso ng kantang "Kiss Me" na may maling lyrics nung mag-guest ito sa remote telecast ng Walang Tulugan with the Master Showman sa Tarlac.

Si Alyssa ang gaganap sa sariling role kasama sina Celia Rodriguez (lola), Melissa Mendez (tiya), Valerie Concepcion (kaibigan), Dion Ignacio (boyfriend), Menggie Cobarrubias (DOM) at Abel Zialzita (Vic del Rosario).

Australian ang father niya na di niya nakagisnan. Iniwan siya ng kanyang ina sa kanyang malupit na lola. Ang tanging nagbigay sa kanya ng pagmamahal ay ang kanyang tiyahing si Flordeliza at kaibigang si Esther.

Lumuwas siya ng Maynila para mag-aral. Naging modelo siya sa tulong ng isang talent agent na agad niyang hiniwalayan nang tangkain nitong ibenta siya sa isang DOM. Nag-apply siya kay Vic del Rosario at nakuha bilang Viva Hot Babe.

Pumunta siya ng Japan. Nang bumalik ay nagkasundo sila ng lola niya. Binigyan niya ng puhunan sa negosyo ang tiyahin. Nakilala si Peter na nagturo sa kanya ng paggamit ng bawal na gamot. Iniwan niya ito para sa pamilya. Nagpatuloy sa pagkanta-kanta hanggang mag-guest sa show ni Kuya Germs.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ABEL ZIALZITA

ALYSSA ALANO

ALYZZA GIBBS

KUYA GERMS

NIYA

OH MY GHOST

PARA

SIYA

UMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with