^

PSN Showbiz

Ogie, Regine, nagtayo ng kanilang recording company

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi pinagsisisihan ng young actress na si Valerie Concepcion ang kanyang pagiging batang-ina sa edad na 16, pero nais niyang iparating sa mga kabataan na huwag magmadali at hintayin ang tamang edad at panahon para lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya.

Magda-dalawang taon na ang baby ni Valerie na si Fiona at ito ngayon ang kanyang source of joy at dahilan kung bakit gusto niyang magtrabaho ng husto dahil gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak.

Ang kanyang pagiging isang teen-age mom ay isang malaking leksiyon para sa kanya pero, hindi ito dahilan para hindi niya ipagpatuloy ang kanyang magagandang pangarap.

Very thankful si Valerie sa pagiging supportive ng kanyang pamilya at ganundin ang Artist Center ng GMA-7 dahil hindi siya pinababayaan.

Semi-regular si Valerie sa Majika at kasama rin siya sa bagong sisimulang telefantasya na Atlantica na pangungunahan nina Dingdong Dantes at Iza Calzado.

Kung may pagkakataon, gusto rin ni Valerie na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para may fall back siya pagdating ng araw na hindi na ganoon karami ang TV and movie offers sa kanya.

Si Valerie ay nasa pangangalaga pa rin ni Becky Aguila na siya ring manager nina Angel Locsin at Jennylyn Mercado.
* * *
All praise ang concert queen na si Pops Fernandez sa multi-media star na si Ogie Alcasid dahil bukod sa pagiging super talented nito, napakabait at napaka-professional pa sa trabaho kaya tuwang-tuwa si Pops sa muli nilang pagsasama ng singer-composer at TV host-comedian na si Ogie sa DusitHotel Nikkosa July 29 na pinamagatang Two of a Kind na produced ng Royal Era Entertainment.

Bukod sa Two of a Kind, pinaghahandaan na rin ni Ogie ang kanyang nalalapit na birthday concert sa Aliw Theater sa August 5 na pinamagatang Komikonsyerto, isang comedy-musical concert na ipu-produced ng Mlhuillier kung saan si Ogie ang kanilang endorser.

Magiging ispesyal na panauhin ni Ogie sa kanyang pre-birthday concert ang kanyang mga kasamahan sa Bubble Gang na sina Michael V., Wendell Ramos, Francine Prieto at Rufa Mae Quinto at kung saan naman may special participation si Lovi Poe. Si Archie Castillo naman ang tatayong musical director.

Speaking of Ogie, napapabalitang nag-put up sila ng kanyang kaibigan at kasamahan sa SOP na si Regine Velasquez ng isang record company bagay na ayaw muna ni Ogie na pag-usapan. Kinukulit si Ogie ng mga dumalong press na tiyak na mare-revive na naman ang intriga sa kanila ni Regine ngayong business partners na sila bagay na tinatawanan lamang ni Ogie.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALIW THEATER

ANGEL LOCSIN

ARCHIE CASTILLO

ARTIST CENTER

BECKY AGUILA

BUBBLE GANG

KANYANG

OGIE

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with