^

PSN Showbiz

Sino ang dapat mauna sa billing, si Pauleen o si JC?

-
Pati press people naki-join sa billing issue ni JC de Vera sa White Lady. May nagsasabing wala itong (o ang kanyang management) karapatang magreklamo na nauna ang name ni Pauleen Luna at mas malaki ang mukha nito sa poster dahil mas naunang nagbida sa Blue Moon ang young actress. Sabi naman ng mga maka-JC, mas naunang nagbida sa TV ang young actor via Now & Forever (Agos).

Ang paliwanag ni Jun Lalin, ang buong layout ng poster ang kanyang inireklamo dahil iba sa napag-usapan nila ni Rochelle Monteverde-Teo. Halos ‘di raw makita ang mukha ni JC dahil maliit and to think, isa ito sa tatlong bida. Sabi ni Jun, nag-promise si Rochelle na aayusin ang layout so, baka bigger picture na ng young actor ang makikita natin.

Pero, kay JC walang problema ang billing at layout at nagulat pa ito na may ganoong isyu. Hindi raw magiging daan ‘yun para mag-away sila ni Pauleen na gaya niya, nag-effort para mapaganda ang pelikula.

"Basta kuntento ako sa career ko’t nabibigyan ako ng challenging role sa movie at TV. Sa Captain Barbell, ang ganda rin ng twist ng role ko as Teng’s brother. Happy ako sa scenes ko with Richard Gomez at nakakadala sila ni Patrick Garcia. Natutuwa rin ako sa mataas naming rating. Sana, magtuluy-tuloy," pagwi-wish nito.
* * *
Dahil tapos na ang summer, pansamantalang mamamaalam si Chaka Doll at ang Kakabaka-Boo! Last episode na ng horror-comedy this Sunday.

Tampok sa finale episode sina Marvin Agustin as Vince, the nerd student na gumawa ng sexy robot na ginagampanan ni Maui Taylor. — NITZ MIRALLES

vuukle comment

BLUE MOON

CHAKA DOLL

JUN LALIN

MARVIN AGUSTIN

MAUI TAYLOR

PATRICK GARCIA

PAULEEN LUNA

RICHARD GOMEZ

ROCHELLE MONTEVERDE-TEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with