^

PSN Showbiz

Juday, tinuturuan ni Ryan kung paano humawak ng pera

-
Hindi sumama ang loob ng nag-iisang female host ng TV Patrol na si Karen Davila na sinuspinde siya ni Maria Ressa, head ng News Department ng ABS-CBN ng limang araw dahil sa pagi-endorse niya ng isang produkto ng Belo Medical Group dahil aprubado ito ng dating president ng ABS-CBN na si Luisito F. Alejandro.

Masayang ipinakita ni Karen ang picture ng nabanggit na beauty products kay Ms. Ressa at ipinaalam nga sa kanya na considered violation iyon ng kanilang Ethics Manual na nag-take effect recently lang.

"Naintindihan ko naman ang paliwanag ni Maria dahil nung lumabas daw ‘yung magazine, after na ng Ethics Manual and I didn’t get paid for that. I was suspended for 5 days," paliwanag ni Ms. Davila.

Dumaan naman daw sa due process ang kaso ni Karen kaya’t klaro sa kanya ang isyu at ngayon ay balik-TV Patrol na siya para sa re-launching ng nabanggit na news program ng Dos.

Naidagdag sa kanila si Kim Atienza bilang weatherman kapalit ng namayapang si Ka Ernie Baron at idadagdag din ang segment ng XXX ni Julius Babao, Gabay Pamilya naman ang kay Karen at Citizen Patrol kay Ted Failon.
* * *
Tensiyonado si Mommy Carol Santos, ina ng aktres na si Judy Ann sa kinasasangkutang tax evasion ng kanyang bunso. Pinayuhan niya ang anak na magdagdag ng abogado para mas pagtibaying inosente siya sa naturang kaso.  

"Ang totoo n’yan talagang kumuha kami ng bagong lawyer para maasikaso ng husto ang kaso. Naawa na rin ako sa mommy ko na hindi makatulog  dahil diyan," say ni Juday.

"Ang kinaso naman sa akin ay noong time na wala pa akong accountant. Hindi ako ang humahawak ng pera ko noon kaya  wala akong ka-alam-alam. I’ve learned my lessons.  When it comes to ‘taxes’,  hindi ka dapat pabaya. Transparent ka.  Kaya naman  kami kumuha pa ng ibang lawyers para mapabilis ang pag-asikaso ng kaso at  hindi na mag-alala ang mommy dearest ko," kwento pa ni Juday .

Suportado naman ni Ryan Agoncillo ang girlfriend sa gitna ng kanyang kaso sa BIR.  Lagi lang nakaalalay ang actor/tv host sa dalaga for moral support. 

May nagbiro nga na huwag lang daw sa pambayad sa BIR dahil struggling actor cum businessman pa lang ang binata  at suportado rin niya financially ang magulang.

Kwento ni Juday tungkol kay Ryan,  "Talagang napakagandang influence ni Ryan sa akin. Natutunan ko sa kanya na di pwede kang gastos nang gastos. Wise spender si Ryan. Ako naman impulsive shopper.

Samantala, hindi na lang pinapatulan ni Budaday ang mga isyung naglalabasan na nagseselos siya kay Rica Peralejo dahil nga mas close sila ng leading man niya sa soap dramang Sa Piling Mo na si Piolo Pascual. Bukod dito ay mas nagkakasama pa raw sila ng matagal sa ibang bansa dahil sa series of shows.

May katwiran ba kasing magselos ang aktres, e, happy siya sa Harry Potter ng buhay niya?

Ang alam namin ay ang fans nina Piolo at Juday ang nagseselos kay Rica at kay Ryan dahil nga mas gusto nilang ang original na magka-loveteam ang magkatuluyan sa tunay na buhay.
* * *
Gaano katotoo na pilit na ipinakikiusap ng kilalang talent manager ang kanyang alagang female singer sa lahat ng shows ng ABS-CBN at GMA 7 dahil kailangan daw nitong kumita dahil nga breadwinner ito ng pamilya?

Bagama’t may kaya ang pamilya ng kilalang female singer dahil kamag-anak niya ang sikat na female singer din, pero hindi naman sila ganun ka-close kaya at hindi naman siya gaanong nabibigyan ng raket kaya’t kailangang kumayod ng sarili si female singer.

Nakakaloka lang dahil dati namang laman ng lounge ang female singer, pero tila inaalat siya dahil wala siyang gigs ngayon. Sumisikat lang ang female singer kapag nakukuha siyang umawit ng soundtrack ng mga programa ng isang network. — Reggee Bonoan

vuukle comment

BELO MEDICAL GROUP

CITIZEN PATROL

DAHIL

ETHICS MANUAL

JUDAY

NAMAN

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with