^

PSN Showbiz

Aldred, ayaw na sa PBB Teen!

-
Dahil sa magandang ratings ng teleseryeng Gulong Ng Palad nina Kristine Hermosa at TJ Trinidad ay binalak pala itong i-extend ng bossing ng production, pero hindi pala pumayag ang top executive ng ABS-CBN dahil mawawala na raw ‘yung tunay na kwento ng soap.

"Usually kasi kapag nagri-rate ang isang soap, ini-extend, di ba? E, hindi na pumayag si (pangalan ng top executive) baka raw sa kae-extend, e, hindi na gumanda ang istorya at magsawa na ang viewers.

"Sabi sa amin, kung ano talaga ang istorya, ‘yun na ‘yun, tapusin na kung kinakailangan, huwag nang i-extend pa," pagtatapat sa amin ng isa ring executive ng Dos.

At napag-alaman naman namin sa production na may follow-up pala ang tambalang Kristine at TJ, isa uling soap na inihahanda na rin ngayon at gagawa ng suspense movie ang aktres sa Star Cinema.

Kumusta na nga pala ang relasyon nila ngayon ng pamilya niya? Heard na tila hindi pa rin sila ‘ayos’?
* * *
So, finally, tsugi na ang Wag Kukurap ni Dingdong Dantes sa GMA 7 dahil papalitan na ito ng Fantastikids nina Marky Cielo at Jackie Rice na siyang itatapat sa Komiks ng ABS-CBN.

Bakit ngayon lang naisip ng Siete na pakurapin ang programa ni Dingdong kung kailan sumadsad ito ng husto sa ratings game over Komiks.

Ang ganda pa sana ng image ngayon ng aktor dahil kumita ang Moments of Love, tapos tigbak naman ang programa niya, nataong wala rin siya sa SOP kasi nga nagha-hybernate.

Anyway, sana sa muling pagkurap ng aktor sa bago niyang programang Atlantis ay maging maganda naman ang outcome nito.
* * *
Buong ningning na inamin ng paboritong anak ni Ka Freddie Aguilar na si Maegan Aguilar na three months siyang preggy courtesy of her half-Filipino, half-German boyfriend of five months na nakilala niya thru a common friend.

Inamin ng magaling na country/pop singer na hindi pa niya planong magkaroon ng baby dahil this coming June ay ilalabas na ng Dyna Music ang kanyang 3rd album, pero hindi na matutuloy dahil nga nadyuntis siya.

At ang parusa ng Dyna kay Maegan ay isang taon siyang suspendido as in wala siyang work under Dyna.

"Siyempre, nakaka-disappoint din kasi lalabas na ‘yung album ko, tapos hindi natuloy because of my baby, suspended ako. So since I have no work to do, kailangan kong rumaket in preparation for the birth of my baby," paliwanag ni Maegan.

Kaya naman kapag may nag-alok sa kanyang kumanta pa rin maski na bombo na ay may I accept niya ang offer tulad sa darating na May 10, 11, 12 at 13 ay ka-join siya sa special concert series entitled Tipa..Masters of Guitars sa pangunguna ni Nyoy Volante sa Teatrino, Greenhills Promenade.

"Sabi ko nga, as long as kaya ko pang kumanta, sige lang basta may sasakyan, sunduin ako, kasi admittedly, I have to prepare for this (sabay turo sa tummy niya).

At ang reaksyon daw ng kanyang father dear nu’ng malamang buntis siya?

"Hindi siya nakapag-react pa kasi inunahan ko na ng kung anu-ano at sabi ko, lolo ka na, e, okey na rin at sa kanya nga ako ngayon nakatira kasi ayokong mag-isa, parang ang dami kong nararamdaman," pahayag ng panganay ni Ka Freddie sa 2nd wife niya.
* * *
Hindi natuloy ang 1st nomination night kagabi sa PBB Teen Edition dahil nag-voluntary exit si Aldred Marc Gatchalian dahil sumama raw ang loob nito nu’ng sabihan siya ng kapwa housemate na si Kim na "pangit ang itsura", na ang ibig sabihin ay hindi raw ngumingiti among the male housemates.

Dinamdam ni Aldred ang sinabing ‘yun bukod pa sa hindi raw talaga siya makapag-adjust sa loob ng Bahay ni Kuya at nami-miss na niya ang pamilya niya kaya gusto na niyang lumabas at mangyayari ‘yun eksaktong isang linggo palang simula nu’ng pumasok siya sa PBB house.

Say ni Aldred, kaya siya nag-join ng PBB Teen Edition ay para tulungan ang pamilya niya dahil ang kanyang ama ay tatlong taon nang walang trabaho at galit siya sa tatay niya dahil mahina ang loob.

Should we say na nagmana si Aldred sa tatay niya dahil mahina rin ang loob niya? Hindi niya nakayanan ang pressure sa loob ng PBB house at hindi niya kayang i-adjust ang sarili sa kapwa housemates? So, press release lang talaga ang mga pinagsasabi niyang survivor siya? Reggee Bonoan

vuukle comment

ALDRED

ALDRED MARC GATCHALIAN

DAHIL

DINGDONG DANTES

DYNA

NIYA

SIYA

TEEN EDITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with