^

PSN Showbiz

Sexy star, binubugbog ng basketbolista!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa isang source, gusto palang magbalik-showbiz ng magaling na sexy actress kaya lang di nito maiwanan ang kanyang tatlong anak na lovechild nila ng dating sikat na basketbolista. Isa pa, seloso ang basketbolista na hiwalay na sa asawa.

Binubugbog nito ang sexy star pero, matapos bugbugin ay inaamo niya ito. Plain housewife lang ang star dahil nag-aalaga ito ng mga anak nila ng live-in partner.
Jackie, Enjoy Sa Encantadia
Inamin ni Jackie Rice na tagahanga siya ng Encantadia. Hindi niya sukat akalain na magiging bahagi pala siya nito.

"Isang malaking karangalan na makasama ko sina Kuya Dingdong Dantes at Ate Karylle gayundin ang idol kong si JayR."
Angelica, Nanakawan Ng Cellphone
Pakiramdam ni Angelica Jones ay napilayan siya nang mawalan ng cellphone. Naimbitahan ito sa isang showbiz affair kung saan nang papanhik na ito ng stage para umawit ay inihabilin ang bag. Nang matapos umawit ay dali-dali itong nagtungo sa mesa pero wala na rin ang kanyang bag na naglalaman ng wallet at ang cellphone.

Okey lang sa kanya na mawala ang pera pero huwag lang ang cellphone dahil mahahalagang bagay ang naka-store sa kanyang cellphone lalo na ang mga pribadong messages at mga contacts na kailangan din sa kanyang trabaho.

Ang ipinangangamba lang nito ay baka gamitin ng taong nagnakaw ng cellphone ang kanyang pangalan.

vuukle comment

ANGELICA JONES

AYON

BINUBUGBOG

CELLPHONE

DINGDONG DANTES

ENCANTADIA

ENJOY SA ENCANTADIA

JACKIE RICE

NANAKAWAN NG CELLPHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with