^

PSN Showbiz

Lorna, hindi pa handang palitan si Rudy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Headline ni Salve ang intriga sa Lorna Tolentino at Lito Lapid.

Talagang feeling ni Lito Lapid pagkatapos niyang magkaroon ng anak sa isa kong alaga, puwede naman niyang palitan si Rudy Fernandez sa puso ni Lorna. Bongga ha.

Tanggap ko na hanggang ngayon malakas pa rin ang charisma ni Lito Lapid, at siguro naman after so many years na widow si Lorna baka nga kailangan na niya ang bagong magpapatibok sa kanyang puso.

Pero huwag muna tayong mag-jump sa conclusion. Huwag muna nating bigyan ng malisya ang mga nagaganap sa paligid. Masyado pang maaga.

Mas maganda siguro sa ngayon mag-travel na lang muna nang mag travel si Lorna.

Harapin na lang muna niya ang business nila ni Sylvia Sanchez.

Makapaghihintay ang isang relasyon para mas makita pa kung talaga bang magiging matatag ito.

Baka spur of the moment kilig iyan, at later ma-discover mo na sandali lang pala.

Waiting and patience is a good virtue. Mas bongga maghintay para mas maganda ang resulta.

‘Belmonte baby’

Talagang Belmonte baby ako mula pa sa lady boss namin noon na si Ma’am Betty Belmonte at ngayon si Papa Miguel Belmonte.

Wala na sigurong pinakamabait na boss sa lahat kundi ang mga Belmonte dahil they fight for their employees. Protected ka gaya ng ginawa nila sa mga empleyado na kung minsan gustong intrigahin ng outsiders.

They really care for them and protect them kaya ever since talagang hindi ko ine-entertain ang mga alok noon ng ibang diyaryo.

Mula pa nung panahong nag-umpisa si Salve sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa talagang love na love ko na ang magsulat para sa diyaryo ng PhilStar.

At talagang feel ko ang pagmamahal sa akin ng mga Belmonte.

Pasko at birthday ko lagi akong may happy envelope.

Paano pa ako makakaalis sa nadarama kong pagmamahal na iyan.

Love you, Papa Miguel, promise Belmonte forever, walang iwanan, bongga.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with