^

PSN Showbiz

Mga artistang mahilig sa salitang ‘sobra’

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Ten years na palang kasal sina Megastar Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan this April 28. Kaya nga during her concert last Friday night sa Araneta Coliseum, nagsayaw sila habang kumakanta si Martin Nievera na guest sa repeat concert ni Mega, My Mega Valentine, The Repeat.

At obvious na nami-miss na ni Martin ang mag-concert sa local audience and he admitted naman. Kasi nga most of the time, sa America na siya nagko-concert. Payat na rin siya at sobrang hyper sa concert ni Mega. Sabi nga ni Sharon, mukhang tumungga raw ng one glass ng sugar kaya ganoon kagulo ang original concert king sa concert niya.

Anyway, walang talent fee si Martin sa nasabing concert ni Mega. Ni hindi nga raw ito nag-second thought na mag-appear My Mega Valentine: The Repeat. Yun eh aalis pa siya the following, Saturday.

Aside from Martin, guest din ni Sharon sina Christian Bautista, Kuh Ledesma and Christopher de Leon.

Joke nga ni Sharon na nagpi-prepare na sila ni Kuh para sa Power of 2 concert. ‘Yung isa ring gown na suot niya, si Kuh daw ang nag-design and created by Pepito Albert.

Si Christopher, say ni Sharon ang kanyang long time crush.

Katuwa pala si Sharon mag-concert. Ang galing niyang mag-spiel. Simple lang ang mga joke niya pero nakakatawa.

Ang laki na rin talaga ng ipinayat ni Mega. Ang luluwag na nga raw ng mga damit niya eh. Medyo bumababa nga ang suot niya eh nasa audience si MTRCB Chairman Consoliza Laguardia kaya bigla siyang naghanap ng pin na of course ay joke lang.

Almost 9:00 p.m. na nag-start kaya late na rin natapos. Dumating si Kris Aquino without James Yap. Nag-promise si Kris sa unang concert ni Mega, pero hindi siya nakarating.

Anyway, syempre lahat ng signature song ni Mega kinanta niya kaya enjoy lahat ng nanood.
* * *
Songs na may positive messages of hope, true love, patriotism, OFW and self-transformation ng mga malalaking names sa OPM scenes ang naka-dominate sa nomination ng 19th Awit Awards.

Tatlong songs ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano from his two hit CD release sa five categories including album of the year and best selling album of the year respectively nominated siya. Kasama sa mga songs ni Mr. Pure Energy ang "Break Me" from the "Soul Full" album and "Ikaw Lamang" and "Lipad ng Pangarap" from the "Pure Heart" album.

Naghakot din ng nomination ang Bamboo — eight diverse categories that cover rock, ballad and world music. Nominated din sa album of the year and song of the year ang kanilang "Light, Peace and Love" na ang banner single ay ang "Hallelujah."

Hindi naman nagpahuli ang Rivermaya na almost 15 years na pala sa music industry. Nominated sila in six categories including song of the year and best performance by a group recording artists.

Pasok naman sa best song written for movie/TV/stage play ang "Pinoy Ako" na sumikat sa Pinoy Big Brother ang Orange and Lemons. Nominated din ang grupo na nag-revive ng Brit-rock sound of the 80’s sa best selling album of the year.

Ang sikat na bandang Hale naman ay nakakuha ng six slots sa major Awit categories including song of the year, album of the year and best performance by a new group recording artists for their song "The Day You Said Goodnight."

Credible ang reputation ng Awit Awards compared sa ibang organization na nagbibigay ng awards sa movie. Ito rin ang longest running award-giving body na organized by Philippine Association of the Record Industry.
* * *
Ang galing na talagang mag-host ni Lucky Manzano particular na sa The Big Night ng Pinoy Big Brother last Saturday night. In fairness, na-develop na magaling na host ang anak ni Mayor Vilma Santos and OMB Chairman Edu Manzano. Kung sabagay may pinagmanahan naman.

Cool na cool siya at tama ang sinasabi. Kaya naman sa susunod na season ng PBB, siya na naman ang magho-host every Saturday, evection night.
* * *
Napansin ng kapatid ko na usung-uso ngayon ang salitang ‘sobra’ sa mga artista. Bawat dialogue ngayon ng mga artista sa interview, parating may kakabit na sobra. Sayang lang at hindi ko na nabilang ang mga sinasabi nila dahil ‘sobrang’ dami. Manood kayo at siguradong masasabi n’yong ‘sobrang’ halos lahat ng artista ay ganito ang favorite word.

Anyway, next time, magpapangalan kami ng artista at kung ilang beses nilang binanggit ang salitang sobra.

Napansin din ng kapatid ko na iba na ang mga artista ngayon. Hindi na raw katulad noon na matatangkad at magaling magsalita like Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez, Dawn Zulueta, Charlene Gonzales na magagaling mag-dialogue at talagang magaganda. "Ngayon hindi na sila magaganda. Parang mga retokada na sila," comment ng sister kong sobrang mahilig manood ng TV.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - [email protected]

vuukle comment

AWIT AWARDS

CENTER

CONCERT

MEGA

MY MEGA VALENTINE

PINOY BIG BROTHER

YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with