^

PSN Showbiz

Masama ang loob dahil gusto ang Captain Barberll pero sa iba ibinigay

-
Pinakiusapan kami ng taga-GMA 7 na kung maari raw naming punahin ang mga naglalabasang write-up ngayon ni Dingdong Dantes na "Masama ang loob niya sa GMA dahil ang pangakong sa kanya ibibigay ang tv project na Captain Barbell ay napunta na kay Richard Gutierrez."

Binalikan namin ng tanong ang taga-Siete na bakit kami ang kailangang pumuna, e, hindi naman kami kunektado kay Dingdong o kay Richard?

"E, kasi parang yun ang publicity slant ng movie ni Dingdong na Moments of Love, e, hindi ba niya naisip na magiging nega siya sa kasasabi niyang masama ang loob niya?

"Hindi ba niya naisip na kaya hindi ibinigay sa kanya ang project na CB ay dahil wala pa siyang napapatunayan bilang solo star? Ano ba ang naging solong project ni Dingdong? 

"Hindi niya solo ang Encantadia dahil yung apat na Sang ’re ang bida at suporta lang siya. Sa SOP, hindi rin niya solo ang pagiging host, sa StarStruck, natatabunan na siya ni Raymond Gutierrez, at ano bang movie na naging leading man siya, yung sa kanila ni Judy Ann Santos, sumemplang pa, nahila niyang pababa si Juday?

"Hindi nag-iisip ang mga reporter-friends ni Dingdong sa sinusulat nila, e, nasaan ba si Dingdong ngayon, di ba, heto pinagkatiwalaan siyang bigyan ng pelikula at sino ba, producer, di ba GMA Films? Dapat nga magpasalamat na siya dahil marami siyang shows sa Siete at may directorial job pa siya," ito ang sunud-sunod na esplika sa amin ng taga-Siete.

E, siguro yun ang naisip ng kampo ni Dingdong na magandang publicity para sa pelikula nila ni Karylle na Moments of Love. Naniniwala sila na baka mapansin din ng management si Dingdong kapag nag-iingay siya tulad ng ginagawa ni Annabelle Rama kapag nade-dehado ang mga anak niya’t ibang alaga.
* * *
And speaking of Annabelle Rama ay gaano katotoo na siya na raw ang nagma-manage ngayon kay Karen delos Reyes na may kontrata pa ngayon sa GMA Artist Center?

Say ng taong malapit kay Karen, nagtatampo na ito sa GMA dahil after daw ng Darna ay wala na naman siyang project at sayang naman daw ang panahong wala siyang ginagawa, kaya humingi siya ng tulong kay Bisaya.

At balita rin naming tila inilalako o ililipat ni Annabelle si Karen sa ABS-CBN dahil may offer daw doon.

Nalaman na raw ito ng management at mukhang may "silent ban" sila sa aktres. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ARTIST CENTER

CAPTAIN BARBELL

DINGDONG

DINGDONG DANTES

MOMENTS OF LOVE

SIETE

SIYA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with