^

PSN Showbiz

Singer na ang painter!

- Ernie Pecho -
Madaling nakapasok sa showbiz si George Sison-Tagle dahil bukod sa anak siya ng painter na si Ernie at ng Aliw Awards moving ng spirit na si Beth; may sariling mga talento ang guwapitong singer.

Si Ernie Tagle na sikat na pintor maging sa ibang bansa ang pinagmanahan ni George bilang isang mahusay na painter. Nakapagtanghal na ng kanyang mga likha si George sa mga sikat na gallery at five star hotel. Noon pang 1995 siya nagdaos ng one-man show sa Lopez Museum.

Noong 1996 naman ay nagkaroon ng Father and Son Interaction Painting exhibit sina Ernie at George sa Hotel Nikko. Nakasali na rin siya sa maraming group exhibits para sa fund- raising ng maraming charitable groups.

Ngayon ay pansamantalang iniwan ni George ang kanyang mga pintura at brushes upang mag-concentrate sa pagkanta.

Noong isang taon ay naging isa sa mga bida si George sa Magic Flute ng Philippine Opera Company.

Kasama siya sa Bataan: Bayani at Banal Salute To St. Joseph, isang benefit music show para sa restoration ng St. Joseph church sa Balanga, Bataan.

Naging guest si George sa Five Wounds concert ni Ivy Violan at Salute, series of concerts para sa benepisyo ng Alay Kawal Foundation.

Pansamantalang tumigil si George sa pagpipinta.

Sa darating na February 14, guest singer si George sa Hearts and Seasons show nina Janet Basco, Ivy Violan at Dulce sa Rigodon Ballroom ng Peninsula Hotel.

vuukle comment

ALAY KAWAL FOUNDATION

ALIW AWARDS

BANAL SALUTE TO ST. JOSEPH

ERNIE

FATHER AND SON INTERACTION PAINTING

FIVE WOUNDS

GEORGE

GEORGE SISON-TAGLE

HOTEL NIKKO

IVY VIOLAN

JANET BASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with