^

PSN Showbiz

Manghuhulang nagbabasa lang nagkalat na naman!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Napanood n’yo na ba ang Spellbound, ang magic show na kasalukuyang pinapalabas sa Araneta Coliseum? Well, kung hindi pa, go na kayo sa Araneta Coliseum. May show everyday (except today) up to January 8. Every 6:00 p.m. ang show time.

Nag-watch kami last December 27, at fabulous ang show as in nakaka-impress ang mga magic nila.

Actually, hindi ako masyadong nanonood ng magic show pero this time, siniguro kong manood.

Impressed ako do’n sa The Majestix na pinagpalit ang katawan ng dalawang dancer after na hatiin ang kanilang katawan sa harap ng audience. Amazing. After no’n, tumayo na sila as if hindi pinagpalit ang katawan nila.

Hindi naman puwedeng sabihing dinaya dahil nakita sila ng audience na pinutol ang katawan at nag-swap ng katawan.

Ok din ‘yung ginagawa ng Human Design. Nakakabaliw ‘yung ginagawa nila ha! Ako ang natatakot for them. Feeling ko, any moment mahuhulog sila.

Kahit saan daw magpuntang bansa ang Spellbound, isa ang Human Design sa favorite ng crowd.

The group ay binubuo nina Miguel Soler, Slawek Kielbasinski and Krystof Suszek.

Ok din ang Los Gauchos. In fairness, nag-effort silang mag-aral ng Tagalog. Thanks to Ian Fariñas na nag-lecture sa kanila kung paano magpi-please ang Filipino audience.

Basta, ilan lang ‘yun sa exciting part ng show. Go na kayo sa Araneta dahil everyday ang show up to January 8 (except today).
* * *
Ang ganda ng trailer ng movie nina Judy Ann Santos and Piolo Pascual, Don’t Give Up On Us. Looks like exciting panoorin.

Parang kakaibang Judy Ann ang mapapanood dito. At maging si Piolo, parang ibang character ang pino-portray.

Actually, hindi lang pala ako ang nakapuna. Kahit si Jojo Gabinete ay excited ding panoorin ang movie.

Kung sabagay si Direk Joyce Bernal ang nag-handle ng movie. Kilala si Direk Joyce sa paggawa ng mga kilig movie na nagiging malaking hit sa takilya. Ganitong movie talaga ang forte ni Direk Joyce. Tapos kinikilig pa si Direk sa team up nina Juday and Piolo kaya siguro na nag-register sa screen ang napi-feel ni Direk Joyce.

Para kasing hindi mo mapi-feel sa movie na very much in love si Juday ngayon kay Ryan Agoncillo.

Matagal ding walang movie sina Juday at Piolo kaya maraming rason para panoorin ang Don’t Give Up On Us.
* * *
May bakat pa sa face ni Ella V. ang pagkakasubsob niya sa Extra Challenge. "Pero hindi na masyadong halata," sabi ni Ella V. nang maki-join siya sandali sa editorial party ng PSN/PM last Thursday night.

If you recall, sumubsob si Ella V. sa isang challenge sa Extra Challenge. At kahit nagdurugo na ang face niya, tuloy pa rin siya sa competition. As in wa siya care kung may pain siyang nararamdaman. Kaya nga saludo sa kanya si Paolo Bediones sa pagiging professional niya.

Anyway, busy ngayon si Ella V. sa taping ng teleserye nina Judy Ann Santos and Piolo Pascual. Gaganap siya bilang bestfriend ni Juday.

"Excited ako. Imagine sina Judy Ann and Piolo ang kasama ko ngayon," sabi ni Ella V.

Isa si Ella V. sa pinaka-visible member ng Hot Babes.
* * *
Tama ang analysis ng marami na hindi na makakatulong ang awards night ng Metro Manila Film Festival sa kikitain ng mga pelikulang kasali. Almost tapos na kasi ang filmfest sa January 6 (date Gabi ng Parangal). Sa mga previous years kasi nakakatulong ang mga awards sa mga pelikulang naghahakot ng trophy.

Sayang ang Ako Legal Wife. Ang daming nagsasabi na sila ang siguradong mananalo sa major awards. Eh kung mas maaga ang naging awards night, malamang mas malaki pa ang kitain nila.

Ang ganda kasi ng feedback ng movie. Ang galing daw ni Zsazsa Padilla. Sayang lang at wala pa akong chance na panoorin ang movie.
* * *
Bagong taon na naman. I’m sure marami na namang manghuhula ang magbibigay ng kanya-kanyang predictions. Pero please lang naman, ‘wag naman ‘yung analysis na lang na base sa kanilang nakikita at nababasa.

Wish ko lang na magbago naman sila ng style. Please lang. Kasi kung ganon din lang, puwede na rin kaming manghula.

At any rate, maging masagana at mapayapa ang taong papasok para sa ating lahat. Marami pa sana tayong matanggap na blessing sa tulong ng Diyos.

A Prosperous New Year to everybody.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

CENTER

DIREK JOYCE

ELLA V

EXTRA CHALLENGE

GIVE UP ON US

HUMAN DESIGN

MOVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with