^

PSN Showbiz

Jamie Rivera, nagpa-sexy na sa video

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Kaugnay ng ika-18 anibersaryo niya sa showbiz ang paglabas ng Star Records ng "Jamie Rivera, At Her Best" album. Ang bagong CD, malinaw na testamento sa pagiging matagumpay na mang-aawit at kompositor ng inspirational diva.

Pawang mga pop songs sa kanyang maraming multi-platinum albums ang kasama sa ‘‘At Her Best.’’ Marahil susunod naman ang compilation ng mga very successful inspirational song ni Jamie.

‘‘Hey, It’s Me’’ ang carrier single song ng Star Records anthology at meron pa itong kasabay na music video. Ang kantang ito rin ang first smash hit ni Jamie, 18 years ago.

Sa mga female recording artists ng bansa, masasabing si Jamie ang isa sa pinakamatagumpay. Lahat ng kanyang mga inilabas na album ay certified multi-platinum. Ang kanyang ‘‘Jubilee" album ay six-times platinum at bumenta ng almost 300,000 copies.

Kung nailabas sa panahong ito, nasa 10 times platinum na ito o qualified maging diamond record awardee!

Halos lahat ng bagay sa showbiz, nasubukan na niya. Naging bida na rin siya bilang Kim sa successful international stage musical na Miss Saigon.

Ang hindi pa lang nagawa ni Jamie, ang maging commercial endorser sa TV. Nagkaroon na kasi siya ng mga radio commercials. Under Angeli Valenciano’s Genesis Entertainment’s management, tiyak na di magtatagal mapapanood na rin natin si Jamie sa TV commercial.

Para sa kanyang ‘‘At Her Best’’ album, kasama ni Jamie ang mga musicians at arrangers na pinakamahuhusay sa ating bansa – Moy Ortiz, Cesar Aguas, Arnold Buena, Mon Espia, Arnold Jallores at Noel Mendes ang ilan sa kanila.
* * *
Natatawa lang si Jamie kapag napapansin na may pagka-sexy siya sa music video ng ‘‘Hey, It’s Me!’’ Sabi niya, hindi naman intentional ito dahil ang kanyang producer at director ang siyang nakakaalam kung anong mga damit ang sinuot niya rito.

Dahil nga sa nasabing video, hindi na natin sasabihin na si Jamie ay isang ‘‘singing nun.’’

Malamang na ang mga susunod pa niyang music video ay higit na provocative, pwera na lang kung inspirational song ito!
* * *
Mahuhusay na banda ang kasama sa weekly entertainment line-up ng Elbow Room sa Metrowalk.

Tuwing Miyerkules, main attraction ng one-stop resto Bar ang Pure Sounds, isang pop/jazz group na lahat halos ng mga music lounge at bars sa metro Manila iniikutan.

Punung-puno ang Elbow Room kapag tumutugtog doon ang Pure Sounds.

Huwebes naman ang araw ng Jeff’s Crib at pang-Biyernes naman ang Heavy Traffic.

vuukle comment

ARNOLD BUENA

ARNOLD JALLORES

AT HER BEST

CESAR AGUAS

ELBOW ROOM

JAMIE

PURE SOUNDS

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with