^

PSN Showbiz

Juday, may garage sale sa Kaffe Caravanna

-
Nahaharap naman sa kasong pambubugbog ang floor director ng Wowowee na si Mel Feliciano na dating myembro ng Solid Gold Dancers.

Last Thursday ay pormal na nagharap ng kasong physical injury sa Kamuning Police Station ang isa sa Kolokoy Boys (pangtapat sa Curimao Boys ng Eat Bulaga) na si Cecilio Antonio alyas Buddy dahil sa pananapak sa kanya ng nabanggit na floor director ng programa.

Ayon kay Buddy, "Bandang alas dos po ng hapon yun, Miyerkules nung lumabas kami ng kasama ko para bumili ng biskwit sa canteen kasi gutom na po kami, e, hindi pa tapos ang Wowowee. Pagbalik po namin, bigla na lang pong lumapit sa amin si Mel at siniko ako sa sikmura, sabay hawak po ng kuwelyo namin ng kasama ko at dinala kami sa labas ng studio at doon ako sinikmuraan at sinampal sa mukha, sabog po yung labi ko.

"Pati po yung kasama ko sinikmuraan din, hindi na lang kami pumalag. Marami pong nakakita at sinabihan nga kami ng gwardiya na umalis na lang kami kasi mainit ang ulo ni Mel. Tapos po, nagpa-medical na ako para ireklamo si Mel kasi masyado niya kaming hiniya sa maraming tao," kwento sa amin ni Buddy.

Nakilala ang Kolokoy Boys na may 30 myembro dahil sila ang ipinangtapat sa Curimao Boys ng Eat Bulaga, three years ago at simula nun ay araw-araw na silang naroon at ni minsan ay hindi sila pumalyang suportahan ang programa ni Willie Revillame at walang inaasahang kapalit.

Ano kayang hakbang ang gagawin ng management kay Mel sa kasong ito? Ito-tolerate ba nila ang kanilang staff na saktan ang isang ordinaryong tao na sumusuporta sa programa nila?
* * *
Tinawagan kami ng fans ni Angel Locsin at masayang ibinalita sa amin na invited sila sa gaganaping Animax presscon ng aktres next week.

Ayon sa mga myembro ng The Original Fans Club Chapter 3 at Exclusive Friends of Angel Locsin ay nagulat sila nung bigla raw silang tawagan ng staff ng Singaporean producer ng Anime at pinadadalo sila sa gaganaping event ng idolo nila.

"Siyempre po, masaya kami, imagine ka-join po kami sa presscon, recognized na po kami, nakatataba po ng puso, kaya pramis po namin na maski saang magpunta si Angel, susuportahan namin siya," say nina Emy at Romina, parehong presidente ng nabanggit na fans club.

Samantala, puring-puri si Angel ng leading man niyang si Dennis Trillo dahil sa sobrang workaholic nito at maski raw puyat at pagod na ay hindi pa rin nakikitaan ng tantrums sa set ng Darna, nabanggit nga ni Dennis na masarap ka-trabaho si Darna at sana sa next project sa GMA 7 ay sila uli ang magkasama.

"She’s very professional, walang reklamo, okey siya, sana magkasama uli kami," sambit ng actor sa presscon ng Agos, 3rd Season ng Now and Forever na magsisimula na sa October 9.
* * *
Tawa kami nang tawa habang ikinukwento ng staff ng Kakabaka-Boo (bagong horror-comedy na pambata sa GMA 7) ang showbiz reporter ng TV Patrol na si Mario Dumaual na nagpunta sa set ng nabanggit na programa ng Siete para interbyuhin si Melanie Marquez, para hingan ng comment sa pagkakapanalo ng ating kinatawan sa nakaraang Ms. International na ginanap sa Japan kamakailan.

Sa bahay kasi ng 1979 Ms International ang taping ng Kakabaka-Boo at ang host ng programang si Chaka Doll ay inilagay sa bukana ng pintuan ng bahay na nakasuot ng wedding gown at siya lang ang nasisinagan ng ilaw at ang ibang bahagi ng bahay ay madilim na.

Kung titingnan daw kasi sa malayo, parang buhay na manyika si Chaka Doll at talagang matatakot ka, kaya si Mario napa-atras daw nung mabungaran si Chaka doll na nakangiti pa sa kanya.

"Kitang-kita mo yung nagulat siya at habang papasok pa ng bahay, panay ang lingon kay Chaka Doll, kasi baka raw bigla siyang talunan," natatawang kwento sa amin.

At nalaman din namin na iisa pala ang stylist nina Chaka Doll, Sunshine Dizon at Jolina Magdangal na pare-parehong nabubuhay sa fantasya.

At ang isa pang nakakalokang parte, sinita pa si Mario ng staff ng Kakabaka-Boo kung ano ang ginagawa nga niya roon gayung GMA 7 ang nagti-taping doon.

Maya-maya ay lumabas na si Melanie at nabanggit nga na gusto siyang interbyuhin ng TV Patrol tungkol kay 2005 Ms International, Precious Lara Quigaman.
* * *
May garage sale ngayong Linggo si Judy Ann Santos sa Kaffe Caravanna along Scout Tobias, Quezon City na mag-uumpisa ng alas diyes ng umaga.

Pawang mga damit, sapatos, bags at gamit sa bahay ng aktres ang ibebenta niya sa murang halaga lang kaysa naman daw mabulok lang sa kwarto niya.

"Marami kasing gamit na hindi na naman niya ginagamit, isa o dalawang suot lang kasi, itatambak na, kaya kesa maluma o mabulok, ibenta na lang para mapakinabangan ng iba. Impulsive buyer kasi ang anak ko, maski hindi gaanong kailangan," pahayag ng Mommy Carol Santos ni Budaday.

Kasalukuyang nasa Baguio City sina Juday at Piolo Pascual para sa shooting ng pelikulang Aubrey directed by Joyce Bernal at ayon din sa kwento sa amin ay nag-uulan sa nasabing lungsod kaya’t ilang araw din silang nahinto sa pagso-shoot.

Say naman ng director nilang si Joyce, "Okey naman kami rito, walang hassle kasi magkakabarkada kami, hinihintay lang ang pagtila ng ulan."

At kaagad naming tinanong kung dumalaw na ba si Papa Ryan Agoncillo ni Juday?

"Hindi, walang dumadalaw dito, alam naman niyang Piolo/Juday ito," say naman sa amin ni Mommy Carol.

At kung hindi kami nagkakamali ay isang buwang mahigit na naroon ang grupo, ibig sabihin, ganun katagal ding hindi magkikita sina Budaday at Ryan? — REGGEE BONOAN

vuukle comment

CHAKA DOLL

CURIMAO BOYS

EAT BULAGA

JUDAY

KAKABAKA-BOO

KAMI

KASI

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with