^

PSN Showbiz

Showbiz mother & daughter tandems

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Marami ng mga mother and daughter na kapwa sumikat sa local showbiz. Kung ano ang nakamit na tagumpay ng ina, kung minsan nga ay nalalampasan pa sa halip na mapantayan lang ng anak.

Sa mga nagdaang panahon ang sariwa pa sa ating isipan ang mag-inang Mila del Sol at Jeanne Young. Si Mila ang isa sa mga naging reyna ng pelikula noong ’40s at ’50s. Marami siyang naging hit movies at nakatambal niya ang mga pinakasikat na bidang lalaki noong kapanahunan nila.

Maraming mga pelikulang nagawa si Jeanne Young at karamihan ay mga musical comedies. Naging host din siya ng mga sikat na TV shows tulad ng Stop, Look, Listen at Spin-A-Win.

After Mila and Jeanne, nakilala naman ang mag-inang Rosemarie Sonora at Sheryl Cruz.

Si Rosemarie, na batang kapatid ng movie queen na si Susan Roces, ay kasama sa Star ’66 launched by the late Dr. Jose Perez, kasunod na sanang movie queen si Rosemarie nang biglang umentra ang Nora Aunor sa eksena.

Si Sheryl naman, masasabing higit na sumikat sa kanyang nanay. Maraming mga hit movies ang anak ni Ricky Belmonte at naging tampok din siya sa mga toprating TV shows.

Sa kasalukuyang panahon ang mother and daughter na sina Zsazsa Padilla at Karylle ang siyang pinakasikat.

Tulad ng kanyang nanay, nagkaroon din ng relasyon sa kanyang kapwa artista si Karylle, ngayon ay going strong ang relasyon nila ni Dingdong Dantes. Inseparable ang dalawa. Mukhang magtatapos din sa harap ng altar ang kanilang romansa.

Papasikat pa lang ang anak ni Jean Saburit na si Nicole Anderson at ang daughter ni Maria Isabel Lopez na si Mara Isabella. Ang mga mag-inang nabanggit ang mga susunod sa talaan ng mother and daughter na kapwa sumikat sa showbiz.
* * *
Bago na naman ang girlfriend ng Masculados member na si Robin Robel. Ang binatang ito ang isa sa mga madalas pagpantasyahan ng mga chicks at bading, dahil bukod sa napakagwapo, maganda pa ang pangangatawan, na mukhang katakamtakam.

Isang dating dancer ng Wowowee ang steady ngayon ni Robin. Jhoy ang kanyang pangalan at una silang nagkita habang ginagawa ang music video ng "Nakaka..." ang previous hit ng Masculados, bago ilabas ang "Swak Na Swak".

Sa tingin ay mukhang tumino sa piling ni Jhoy si Robin, dahil hindi na siya nasasangkot sa iba pang romansa.

Baka nga matuloy na sa kasal ang pagmamahalan nina Robin at Jhoy.

vuukle comment

AFTER MILA AND JEANNE

DINGDONG DANTES

DR. JOSE PEREZ

JEAN SABURIT

JEANNE YOUNG

JHOY

KARYLLE

MARA ISABELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with