Janno, lagpak sa interview hindi makakapunta ng US!
July 13, 2005 | 12:00am
Pumasa ang grupo ng SOP sa interview nila kahapon sa US Embassy para sa working permit na kakailanganin nila sa US shows nila sa Amerika para sa launching ng GMA Pinoy TV sa Bill Graham Civic Auditorium sa San Francisco, USA sa July 31.
Ang mga artistang lilipad ay sina Richard Gomez, Lucy Torres-Gomez, Ogie Alcasid, Karylle, Dingdong Dantes, Joey de Leon, Mel Tiangco, Chynna Ortaleza, Jennylyn Mercado at Mark Herras.
Dalawa lang daw ang hindi nakapasa sa interview at ang isa ay ang yaya raw ng TV host na si Mel Tiangco at si Janno Gibbs!
Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga staff na Pinoy sa Embahada ng Amerika dahil bumaha raw ng malalaking artista sa building nila at nakita rin nilang nagbabatian ang mga artista ng Dos at Siete at hindi nila naramdamang may network war.
Ang ilan sa mga artista ng ABS-CBN na nakitang nakapila sa loob ay sina Boy Abunda, Cristy Fermin, Chocolate, Vhong Navarro, Iya Villania, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Kris Aquino.
Hindi nga lang nasilip ng aming source kung sino naman sa talents ng Dos ang hindi nakapasa sa interbyu.
Malaking istorya kahapon, Martes ng isang tabloid, ang pagbabati at pag-urong na ng demanda ni Dra. Vicki Belo laban sa dating kaibigang si Rosanna Roces.
Nangarag ang kilalang beauty expert sa kaliwat kanang tawag na tinanggap kahapon para sa tanong kung totoo nga ang balita dahil wala siyang alam tungkol sa nasulat.
"I was really shocked with the news item, because as far as I know, hindi ko inuurong ang kaso kay Rosanna at hindi kami nagbati o bati or whatever.
"So, I called up my lawyer and asked him baka may kumausap sa kanya and he told me na may nagtanong nga kung pwede ko raw bang patawarin si Rosanna at iurong ang kaso.
"Sabi ni Atty. Fortun na pupwede namang magpatawad si Dra. Vicki Belo as long as sincere ang paghingi ng tawad, but never na iuurong ang demanda.
"So, magkaiba ang sinabi ni Atty. Fortun sa nasulat. Ako naman, madali akong kausap, madali akong magpatawad as long as sincere nga, sa kaso namin ni Rosanna, hindi pa kami bati at hindi ko iuurong ang demanda," malumanay na paliwanag ni Dra. Belo sa amin.
Gaano katotoo na kaya si Direk Louie Ignacio ang magdi-direk ng Magpakailanman sa Amerika ay dahil hindi na makakasama sa US trip ang talagang director ng MKM na si Argel Joseph?
Ayon sa tsika sa amin ng taga-GMA 7 ay gusto raw sumama ni Direk Argel kaso parang may ilang staff ng Siete ang nag-react dahil pinipilit daw kasi niyang isama ang kanyang asawa at palalabasing PA ng MKM bagay na hindi raw dapat.
At dahil tila nagkaroon ng konting pagtatalo ay nag-back out na lang daw si Direk Argel kayat si Direk Louie ang sinabihan ng top executive ng network na siyang magdidirek ng Magpakailanman.
Napanood namin ang trailer ng The New Police Story ni Jackie Chan at halos iisa ang comment ng mga tao sa loob ng sinehan, ibinalik na raw ni Jackie ang dati niyang role at kung hindi kami nagkakamali ay mas matitindi ang fight scenes dito.
Nag-worry na marahil si Jackie sa nangyari sa career niya nitong mga huling taon dahil hindi kagandahan ang resulta ng mga pelikulang ginawa niya noon dahil mas nag- concentrate siya sa comedy kaysa aksyon na siyang hinahanap sa kanya ng tao.
Dagdag pa na medyo nadadaig na ngayon si Jackie ng mga pelikulang super heroes, scientific movies kayat kinailangan na niyang magpakatotoong action star at hindi isang komedyante.
Ngayon ang opening day ng The New Police Story na released ng Viva Films International. REGGEE BONOAN
Ang mga artistang lilipad ay sina Richard Gomez, Lucy Torres-Gomez, Ogie Alcasid, Karylle, Dingdong Dantes, Joey de Leon, Mel Tiangco, Chynna Ortaleza, Jennylyn Mercado at Mark Herras.
Dalawa lang daw ang hindi nakapasa sa interview at ang isa ay ang yaya raw ng TV host na si Mel Tiangco at si Janno Gibbs!
Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga staff na Pinoy sa Embahada ng Amerika dahil bumaha raw ng malalaking artista sa building nila at nakita rin nilang nagbabatian ang mga artista ng Dos at Siete at hindi nila naramdamang may network war.
Ang ilan sa mga artista ng ABS-CBN na nakitang nakapila sa loob ay sina Boy Abunda, Cristy Fermin, Chocolate, Vhong Navarro, Iya Villania, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Kris Aquino.
Hindi nga lang nasilip ng aming source kung sino naman sa talents ng Dos ang hindi nakapasa sa interbyu.
Malaking istorya kahapon, Martes ng isang tabloid, ang pagbabati at pag-urong na ng demanda ni Dra. Vicki Belo laban sa dating kaibigang si Rosanna Roces.
Nangarag ang kilalang beauty expert sa kaliwat kanang tawag na tinanggap kahapon para sa tanong kung totoo nga ang balita dahil wala siyang alam tungkol sa nasulat.
"I was really shocked with the news item, because as far as I know, hindi ko inuurong ang kaso kay Rosanna at hindi kami nagbati o bati or whatever.
"So, I called up my lawyer and asked him baka may kumausap sa kanya and he told me na may nagtanong nga kung pwede ko raw bang patawarin si Rosanna at iurong ang kaso.
"Sabi ni Atty. Fortun na pupwede namang magpatawad si Dra. Vicki Belo as long as sincere ang paghingi ng tawad, but never na iuurong ang demanda.
"So, magkaiba ang sinabi ni Atty. Fortun sa nasulat. Ako naman, madali akong kausap, madali akong magpatawad as long as sincere nga, sa kaso namin ni Rosanna, hindi pa kami bati at hindi ko iuurong ang demanda," malumanay na paliwanag ni Dra. Belo sa amin.
Ayon sa tsika sa amin ng taga-GMA 7 ay gusto raw sumama ni Direk Argel kaso parang may ilang staff ng Siete ang nag-react dahil pinipilit daw kasi niyang isama ang kanyang asawa at palalabasing PA ng MKM bagay na hindi raw dapat.
At dahil tila nagkaroon ng konting pagtatalo ay nag-back out na lang daw si Direk Argel kayat si Direk Louie ang sinabihan ng top executive ng network na siyang magdidirek ng Magpakailanman.
Nag-worry na marahil si Jackie sa nangyari sa career niya nitong mga huling taon dahil hindi kagandahan ang resulta ng mga pelikulang ginawa niya noon dahil mas nag- concentrate siya sa comedy kaysa aksyon na siyang hinahanap sa kanya ng tao.
Dagdag pa na medyo nadadaig na ngayon si Jackie ng mga pelikulang super heroes, scientific movies kayat kinailangan na niyang magpakatotoong action star at hindi isang komedyante.
Ngayon ang opening day ng The New Police Story na released ng Viva Films International. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















