^

PSN Showbiz

Juday, di dadalo sa FAMAS

-
Isang simpleng "Hindi ko alam!" ang isinagot sa amin ni Judy Ann Santos kung dadalo ito sa FAMAS Awards Nights na gaganapin ngayong Sabado, June 25 sa PICC. Nominado siya sa kanyang dalawang pelikulang Sabel at Aishite Imasu na nangangahulugang hindi lamang sina Claudine Barretto, Nora Aunor, Vilma Santos at iba pa ang kanyang makakalaban kundi ang sarili mismo.

Sa radyo, hayagang sinabi ni Alfie Lorenzo na wala siyang balak padaluhin ang kanyang alaga sa naturang awards night dahil may balitang nakarating sa kanya mula sa mapagkakatiwalaang tao na kung hindi si Claudine ang mananalo ay tiyak si Kris Aquino ang mag-uuwi ng tropeo sa pagka-best actress.

Kung natuloy noon ang nakatakdang petsa sa nasabing awards nite ay payag sana ang manager ng aktres na padadaluhin ang kanyang alaga dahil natuwa ito na dalawa ang nominasyon ni Juday. Pero napospon ang naturang okasyon na walang pasabi. Kung nagkataon ay nag-iisang pumunta ang kanyang alaga sa AFP Theater na naka-gown pero, walang dadatnang awards night.

Sa relasyong Juday at Ryan Agoncillo naman ay masaya ang manager ni Juday dahil dama nito ang sinseridad ng TV host sa pakikipagrelasyon sa kanyang alaga. Masaya siya dahil may tfaong nagsumikap na ligawan ang aktres kahit hectic ang schedule nito.

Galit ito sa mga fans na gumagawa ngayon ng demolition move para sirain ang relasyon ng dalawa tulad ng pagkakalat na itong si Ryan ay may ka-live-in at may anak na. ALEX DATU

vuukle comment

AISHITE IMASU

ALFIE LORENZO

AWARDS NIGHTS

CLAUDINE BARRETTO

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

NORA AUNOR

RYAN AGONCILLO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with