^

PSN Showbiz

Jennylyn, idi-demanda ng tunay niyang ina?

- Veronica R. Samio -
Kung si Jennylyn Mercado ang masusunod, ayaw na nitong pag-usapan pa ang kanyang biological mother na diumano ay magdi-demanda sa kanya at sa GMA7 dahilan sa pagpapalabas ng kanyang istorya sa Magpakailanman na nagbigay daw ng hindi magandang imahe sa kanyang biological mother na diumano ay kasal sa isang nobleman at naninirahan sa UK.

"Ayaw ko na itong pag-usapan," tanggi ng young actress na nagsabing hindi siya aware sa demanda at lalo sa sinasabing pag-uwi dito ng kanyang tunay na ina.

Pero, syempre, papayag ba ang movie press sa ganitong sagot? Kaya si Aling Lydia Mercado, ang kinagisnang ina ni Jennylyn at kapatid sa dugo ng kanyang tunay na ina, ang hinarap at tinanong ng press.

"Hindi namin alam na may nakaambang demanda. Pero, kung sakali man, nakahanda kami rito. Wala namang layunin ang palabas na siraan siya. Kapatid ko siya at naro’n pa rin ang pagmamahal at respeto. Bukas ay darating din ang isa pa naming kapatid na babae mula naman sa Australia, si Thelma, ang unang nag-aruga kay Jennylyn. Kung sakali, eh di magkikita-kita kami. Di na nakita ni Jennylyn ang tunay niyang ina since grade 6 siya," ani Aling Lydia.

Kung ayaw man sagutin ni Jennylyn ang tungkol sa tunay niyang ina, mapagbigay naman siya sa sagot tungkol sa maraming bagay tungkol sa kanya at sa boyfriend niyang si Mark Herras, katambal din niya sa una nilang solo movie sa Regal Entertainment, ang Say That You Love Me na kasama rin sina Tuesday Vargas, Bearwin Meily, Nadine Samonte, Cristine Reyes, at marami pang iba sa direksyon ni Mac Alejandre.

"Hindi na super seloso si Mark ngayon. Nakapag-adjust na rin siya," pagtatanggol nito sa boyfriend na gayong birthday na niya sa Linggo ay wala pa siyang hiling kung ano ang ire-regalo nito sa kanya.
* * *
Akala ko kontento na si G. Ed Manuel sa napiling anim na myembro ng binuo niyang grupo na tinawag niyang Regatta Girls. Yun pala, naghanap pa siya ng isa pang karagdagan para mabuo ang bilang nitong pito. Di niya expected na pati mga residente ng US ay magkakaro’n ng interes na mapabilang sa grupo sa ginawa niyang audition.

Seventh member si Jeri Mitchelle, 18 years old at tumatayong 5’4". Simula sa pagkabata, pangarap na nitong mapabilang sa magulo pero, masayang mundo ng showbiz.

Marami ang ginulat niya sa kahusayan niyang kumanta at sumayaw. Nakapagsasalita rin siya ng mahusay na Tagalog at Ingles at magaling sumagot sa mga tanong na ibinato sa kanya.

Kumuha ng acting, dance at voice lessons si Jeri sa isang theater arts studio sa USA. Siya ang tatayong lider ng Regatta Girls.
* * *
Nagiging maigting na rin ang kumpetisyon among dermatologists. Lalo na kina Dra. Vicki Belo at Drs. Manny & Pie Calayan. Pinaka-latest na intriga na nag-involve sa kanila ay yung diumano’y pag-aangkin ni Dra. Vicki sa mga beauty endorser ng mag-asawang doktor na sina David Bunevacz at Jessica Rodriguez, pati na rin kay Aiai delas Alas. Lalo na raw kay Ethel Booba na walang kakyemehan sa pag-amin na retokada siya ng mag-asawa.

Ngayon, may bagong celebrity endorsers sina Drs. Manny & Pie, si Angel Locsin para sa Calayan Surgi Center. Swerte nila dahil, pinakasikat si Angel ngayon among the younger generation of stars.

vuukle comment

ALING LYDIA

ALING LYDIA MERCADO

ANGEL LOCSIN

BEARWIN MEILY

CALAYAN SURGI CENTER

CRISTINE REYES

JENNYLYN

REGATTA GIRLS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with