^

PSN Showbiz

"Hindi naging kami ni Joyce" — Mico Palanca

- Veronica R. Samio -
Ngayon lamang tahasang inamin ni Mico Palanca na hindi kailanman naging sila ni Joyce Jimenez. Ginawa niya ito sa isang presscon na ibinigay ng ABS CBN para sa ilan nilang mga artista.

"We’ve always been good friends up to now," sabi niya.

Nilinaw din ni Mico ang balitang niligawan niya si Bea Alonzo.

"
Tsismis lang yon, maybe because we’re together in It Might Be You. Di ko gagawin yon because of the loveteam (Bea and John Lloyd Cruz)," dagdag pa ng younger brother ni Bernard Palanca who admits na wala siyang special girl ngayon. And that even if he feels sad for the failure of the relationship of his brother BJ and Rica (Peralejo) ayaw niyang makialam. "Mas mabuti kung konti lang ang alam ko tungkol sa kanila," paliwanag niya.

Bagaman at malakas ang naging impact ng kanyang role sa It Might Be You, enjoy ang manonood ng TV sa kanyang bagong role bilang music professor ni Iya Villania sa Seasons of Love. I’m sure bago matapos ang serye ay mali-link siyang muli kay Iya.
* * *
Napakaganda, fabulous, ang napanood kong pagtatanghal sa Venue Tower, isang theater dance bar na matatagpuan sa 652 Boni Avenue, Mandaluyong City nung Thursday evening na pinamagatang Bedazzled sa imbitasyon ng isang matagal nang kaibigan at ngayon ay nagmemeari na ng nasabing napakagandang entertainment place sa Mandaluyong City na si Pocholo Malillin.

Marami na akong napanood na gay shows pero iba yung
Bedazzled hindi lamang sa punto ng konsepto kundi maging sa costume, performance, choreography at direction. Ang ganda!!!

But then hindi lamang bading ang nag-perform kundi pati mga tunay na babae at lalaki, at mga tomboy. Nahilo nga ang audience na makilala ang mga tunay na lalaki at babae sa mga hindi. But then yun ang isa sa misteryo ng
The Venue Tower na kailangang ma-solve ng mga pupunta dun, di ba Pocholo?

Bagung-bago lamang ang lugar na maituturing kong may pinaka-magandang restroom at talagang mala-Las Vegas ang ambience sa punto ng entertainment at Italian sa punto ng decor.

Tumatanggap din
dito ng multi-purpose events tulad ng concerts, ang ganda at ang luwang ng stage dito, album and product launch, baptismal, birthday, debut, wedding, fashion and hair shows, conferences, reunions, conventions, etc.

May questions kayo? Call kayo kay
Pocholo o kay Virgo sa 5322826/5312953, 10:00 NU-8:00 NG.
* * *
Napaka-bilis ng asenso ng pinaka-bagong showbiz funnyman na si Ya Chang. Tatatlong buwan pa lamang ito na pumapalaot sa showbiz pero, bukambibig na siya ng publiko.

Araw-araw na siyang napapanood sa MTB: Ang Saya Saya. May sarili na siyang segment sa show, ang "Ang Saya SaYa Chang". Kasama rin siya sa teleseryeng Maid In Heaven. Siya si Jude, may-ari ng isang grocery na nahuhumaling kay Cherrie Pie Picache.

Si Aiai delas Alas ang nakadiskubre kay Ya Chang. Ang gabi-gabing pagi-istambay sa Klownz Araneta na pag-aari nina Aiai, Allan K at Lito Alejandria (na siyang tumatayong manager niya) ang nagsilbing pasaporte niya sa showbiz. Nakapag-guest na siya sa mga programa ng Dos tulad ng Ang Tanging Ina: The Series, Okay Fine, Whatever, Good Morning Kris, Victim at ASAP.

Bukod sa TV, pinasok na rin niya ang recording. Kinuha na siya ng Star Records. Kasalukuyan niyang tinatapos ang isang album dito na nagtataglay ng mga komposisyon ng mga tulad nina Lito Camo at Christian Martinez.

Bago matapos ang taon, isang malaking proyekto ang gagawin ni Ya Chang para sa mga bata. Ito ang paraan niya para magpasalamat sa mga blessing na dumarating sa kanya.
* * *
Dumating ang bagong artist na si Derek McDonald sa bansa at naging front act ng Best of Blue concert sa Araneta Coliseum kagabi. Naging front act din siya ng grupo sa Japan.

Nasa huling bahagi na ng kanyang
Asian Tour si Derek na ang highlight ay ang pagiging presentor niya sa MTV Asia Music Awards.

Taga-Scotland ang 22 taong gulang na si Derek na ang album na "Inescapable" ay naglalaman ng 14 na tracks na ang karamihan ay siya ang nag-compose. Hit dito sa atin ang carrier song nitong "Hurts So Bad" at humahataw na rin ang second single niyang "Alone Again".

Ang
Best of Blue concert ay handog ng Smart Buddy, Sony Ericsson, Manila Hotel, Addict Mobile, Skechers, PLDT My Music at Greenwich.

vuukle comment

ADDICT MOBILE

BEST OF BLUE

DEREK

IT MIGHT BE YOU

MANDALUYONG CITY

NIYA

VENUE TOWER

YA CHANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with