^

PSN Showbiz

Oyo Boy, isososyo ang sarili niyang savings para sa movie nila ni Nadine !

-
Genuine ang kilig-factor sa tambalang Oyo Boy Sotto-Nadine Samonte dahil totoo at hindi for the sake of loveteam ang ka-sweetan ng anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie, sa magandang StarStruck finalist.

Latest tungkol sa dalawa: kinumbinse ni Oyo Boy ang amang M-Zet producer para ituloy ang film project na magtatampok sa dalawa. Totoong willing i-invest ng lovestruck Oyo ang kanyang savings sa nasabing proyekto. Ayon sa aming source, tuloy na ang project na isusulat ni RJ Nuevas at ididirek ni Ruel Bayani, same team ng Ikaw sa Puso Ko nina Oyo Boy-Nadine sa GMA 7.

Ayon sa aming informant, nagpahayag ng interes si Mother Lily sa tambalan ng dalawa bunga ng di-maitatatwang high ratings ng early afternoon teleserye nina Oyo Boy-Nadine, na na-extend nang isa pang season, kaya sure na raw ito, either as a partnership ng Regal at M-Zet o solo venture ng alinman sa kanila.

Nasulat na ang magandang epekto ni Nadine sa improved aura at positive attitude ni Oyo Boy, lalo na sa pakikitungo niya sa movie press. Very approachable na siya ngayon at may sense of humor na, unlike before na mukha siyang masungit sa fans man o sa press.

Si Oyo pala ‘yung naba-blind item na laging nakabuntot sa nililigawang bagong aktres, to the point na nagmumukhang alalay. Isang positive outcome nito ay sila nang dalawa ang nahihiling na mag-guest sa mga out-of-town raket. Kesa nga naman magpakapagod sa kabubuntot si Oyo kay Nadine, gusto na ng show organizers na silang dalawa ang magkasama sa napakaraming commitments sa mga sumusunod na araw.

Even before Ms. D said na kinilabutan siya nang ipakilala ni Oyo Boy sa kaniya si Nadine–dahil parang nakita niya ang sarili nu’ng younger years niya sa katauhan ni Nadine, nasabi na ng present author ang malaking pagkakahawig ni Nadine sa kaniyang future mother-in-law (?).

Sa latest pictorial ng dalawa, may bonus shot na nagkekengkoyan sa isa’t isa sina Oyo-Nadine, Josko ‘Day, para silang sina Vic-Dina sa una nitong tambalan noon sa Regal. Armando A. Reyes

vuukle comment

ARMANDO A

AYON

DINA BONNEVIE

M-ZET

MOTHER LILY

MS. D

NADINE

OYO

OYO BOY

OYO BOY-NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with