^

PSN Showbiz

Vhong,umiinom ng alak para lumabas ang boses

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Natupad ang pangarap ni Angelika dela Cruz na magbida muli sa Maalaala Mo Kaya. Siya ang bida sa The Sheryn Regis Story na ipalalabas bukas ng gabi. At the time pala na nasa GMA 7 pa siya, isa sa mga na-miss niya ay ang makapag-guest sa Maalaala Mo Kaya.

Kaya nang bumalik siya sa ABS-CBN, isa sa mga ni-request niya ay ang makalabas sa Maalaala Mo Kaya. Feeling niya, acting vehicle kapag nagbida ka sa MMK.

"Let’s face it, kapag nagbida ka sa MMK, pag-uusapan ang acting mo. Pang-award kumbaga. And ang maganda pa, sa lifestory ni Sheryn, I get to do drama and sing as well," sabi ni Angelika.

Na-excite si Angelika sa lifestory ni Sheryn. Marami raw itong drama at challenges na pinagdaanan. ‘Di ba’t naging kontrobersyal pa si Sheryn nang lantaran niyang ipakita ang disappointment niya nang hindi siya maging champion sa Star In A Million.

"Isang chapter lang ’yon. ‘Yung buhay niya at ang pamilya niya sa Cebu ang malungkot," kuwento sa akin ni Angelika.

Sa MMK episode bukas ng gabi, special guest si Jericho Rosales na kung inyong matatandaan ay gumanap naman sa The Erik Santos Story. May special appearance din si Erik sa episode. Ketchup Eusebio plays Sheryn’s brother. Si Mae Cruz ang nagdirek.
* * *
Isa nang certified recording si Vhong Navarro. Hit na hit ngayon ang "Pamela" song niya under Star Record. Number 3 ito ngayon sa bestseller and hit sections ng mga record bar. Hindi nga makapaniwala si Vhong na magugustuhan ng tao ang kanta na isang laro lang ng mga batang paslit. Sa katunayan, kailangan niyang uminom ng isang baso ng wine nang i-record niya ang kanta.

"Gusto ko lang, para maibuga ko at lumabas ang boses ko," kwento nito.

Aware siguro ang Star Cinema na magiging hit ang "Pamela" kaya isa na itong pelikula. This time, pinagsama sila ni Bayani Agbayani na kumanta naman ng monster hit na "Otso Otso". Bida sina Bayani at Vhong sa Otso Otso (Pamela Mela Wan) ng Star Cinema.

"It’s a fun movie na may kuwento, hindi lang basta comedy," sabi ni Vhong.

Tawa nang tawa si Vhong habang ikinukuwento sa akin ang isang eksena sa movie kung saan in-spoof nila ang isang eksena sa Milan.

"Very timely ang mga spoofs namin dito. Bago lahat. Idea ’yun ni Direk Jerry Sineneng," kwento ni Vhong.

Kasama rin sa Otso Otso" (Pamela Mela Wan) sina Tessie Tomas, Michelle Bayle, Denise Joaquin, Cherry Lou, Angelene Aguilar, Karel Marquez, Dexter Doria at introducing dito ang Jaboom Twins (Kristine at Katrina Gonzales) at ang kambal na binatilyo ni Bembol Roco na sina Dominic at Felix. Showing na ito sa March 17.
* * *
Kung tinanggap pala ni Paz Vega ang offer na mag-Hollywood, tiyak na wala sa eksena si Penelope Cruz. Parehong Spanish actress sina Paz at Penelope pero mas sikat si Paz. Mas marami rin siyang nagawang pelikula sa Spain na kumita. At mas kinikilala si Paz kung pagiging aktres ang pag-uusapan.

Bida si Paz Vega sa Carmen, ang tinaguriang ‘most erotic film’ sa Cannes screening. Ginastusan din ito ng pinakamalaking budget sa history ng Spanish film industry with $11.7 million.

Nakakuha ang Carmen ng pitong nominations sa 2003 Goya Award – Best Photography, Best Editing, Best Art Direction, Best Costume, Best Make-Up-Hair, Best Song at Best Production Management. Mula ito sa direksyon ni Spanish top Director Vicente Aranda.

May special advanced screening ang Carmen sa Cinema 6 ng Robinson’s Galleria ngayong gabi at 7 p.m. Ang Carmen ay kwento tungkol sa love, passion and jealousy. Si Paz Vega ay nagbida na rin sa dalawa pang pelikula – Sex & Lucia at Talk To Her.

vuukle comment

ANGELIKA

MAALAALA MO KAYA

NIYA

OTSO OTSO

PAMELA MELA WAN

PAZ

PAZ VEGA

SHERYN

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with