^

PSN Showbiz

Luke, may tama kay Angelika dela Cruz

-
Ayaw man aminin na gustong ligawan ni Luke Mijares si Angelika dela Cruz ay nakikita naman sa mga kilos nito at halatang pinapawisan ng malagkit nang kornerin namin siya at alamin ang real score.

Inamin naman ng mang-aawit na ang dahilan kaya hindi na siya makapanligaw ay dahil may naiwan siyang nobya sa Cebu na ayon sa kanya, mahal na mahal niya ito at handa nitong pakasalanan pagdating ng tamang panahon. Kung may pagtatangi man ito kay Angelika ay hanggang doon lang.

Isa sa nagustuhan niya kay Angelika ay magaling itong kumanta na ayon sa kanya, sayang kung hindi siya mabigyan ng break sa pagkanta. Nagagandahan siya dito at kahit sinong lalaki ay talagang mabibighani sa kanya at naging karagdagan pa sa kanya ang maganda nitong pangangatawan na makinis. At isa pa, nababaitan siya kay Angel. "Isa na siguro ako sa mga nagnanais na maging syota siya pero hinding-hindi na puwede dahil may nobya na ako." – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

ANGELIKA

AYAW

CEBU

CRUZ

INAMIN

ISA

LUKE MIJARES

NAGAGANDAHAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with