Rica,kumanta sa 10 cities sa US!
December 6, 2003 | 12:00am
Kung ang sexy star na si Aubrey Miles ang featured artist ng Ginebra San Miguel calendar nung isang taon, dalawang bagong sexy star naman ang kanilang kinontrata para sa taong 2004, sina Maricar de Mesa at Belinda Bright na ipinakilala sa formal launch ng GSM 2004 Calendar na ginanap sa Ratsky sa Tomas Morato.
First time bale ng GSM na mag-feature ng dalawang sexy star in one calendar dahil magsi-celebrate ang GSM ng kanilang ika-170 taong anibersaryo sa susunod na taon.
Ang kilalang photographer na si Xander Angeles ang kinuha ng GSM para lumutang lalo ang kaseksihan nina Maricar at Belinda na kinunan pa sa Pinto Art Gallery sa Antipolo City. Ayon sa marketing manager ng Ginebra San Miguel na si G. Ramon Reyes, sina Maricar at Belinda ang nanguna sa survey sa talaan ng mga sexy stars na kanilang pinagpilian kaya naman tuwang-tuwa ang dalawang sexy stars.
"Malaking bagay ito sa amin ni Belinda dahil kilalang-kilala ang Ginebra San Miguel sa buong Pilipinas," ani Maricar na lumipat na sa kwadra ni June Torrejon mula sa kampo ni Douglas Quijano. Bilang image models ng GSM, magiging abala sina Maricar at Belinda sa promo tour na isasagawa ng GSM sa buong Pilipinas simula sa susunod na taon.
"2003 was a good year for me at umaasa ako na magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod pang taon," asam ni Rica. Ang Malikmata ang kaisa-isang thriller-suspense movie sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, Disyembre 25.
Ang Rosmont Executive Villa sa Tarlac City ay nasa loob ng 4 na ektaryang lote na tatayuan ng 220 bahay na mabibili sa mababang halaga lamang mula P1.3-M hanggang P1.7M na available sa in-house financing at sa mga Pag-Ibig Fund members.
Ang mga tickets sa magical na pagtatanghal ay mabibili sa halagang P600, P1,000 at P1,200 sa Onstage, Ticketworld, All Media at The Enterprise.
Ngayong Sabado ay magiging ispesyal na panauhin ng Celebrity Turns sina MMDA chairman Bayani Fernando at ang mga TV hosts na sina Mel Tiangco at Bernadette Sembrano. Makakasama rin nila ang kilalang acoustic singer na si Paolo Santos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















