^

PSN Showbiz

Jeannette Joaquin, wala raw boyfriend at virgin pa?

- Veronica R. Samio -
Bago nag-artista, nag-Japan muna si Jeannette Joaquin. Di siya tulad ng maraming bold stars na galing probinsya at walang kamuwang-muwang sa takbo ng buhay sa siyudad. "Di ako tanga sa Maynila. At di ko ginagaya ang mga nakikita ko, lalo na yung hindi mabuti," aniya.

Di rin niya kinakailangang mag-bold para kumita. "May naiipon na ako mula sa pagtatrabaho ko sa Japan. At contrary to what many people believe, di bastos ang mga Hapon. Oo, hinahawakan nila ang mga kamay ko pero, hanggang dun lang sila. Kung ayaw ko naman, hindi nila ako pipilitin. Hindi ako nagpaka-cheap dun, noh!

"Di rin ako for sale. Di ko ipinagbibili ang sarili ko sa kahit na anong halaga. Kaya kong buhayin ang pamilya ko sa mabuting paraan!"

Nineteen years old na si Jeannette pero di pa nagkaka-boyfriend?!

"Ayaw n’yong maniwala? Totoo, marami akong manliligaw pero wala pa akong naging boyfriend. Hindi pa ako nagkakarelasyon pero, may commitment ako, sa aking pamilya.

"Ipinangako ko sa kanila na giginhawa ang aming buhay at naniniwala naman sila na tutuparin ko ito, sa mabuting pamamaraan, walang kalokohan.

"Maraming nag-aakala na porke mga bold stars kami, nabibili na kami, cheap pero, hindi ako. Totoo, nagpi-flirt ako pero hanggang dun lang ako, never kong ibinigay ang virginity ko. Di ibig sabihin walang nag-try na kunin ito pero, di sila pumwede sa akin. May prinsipyo ako," sabi ng isa sa tatlong bida sa Tumitibok, Kumikirot ng ATB 4 Films, Inc. Ang dalawa pa ay sina Trina Shields at Millet Abalos. Kasama nila sina Allen Dizon, Mon Confiado at Michael Gomez. Direksyon ni Arman Reyes mula sa script ni Dennis C. Evangelista.
*****
Parang wala akong nakitang big star sa unang araw ng Star Olympics na ginanap sa Marikina Sports Center. O baka naman nandun sila sa opening ceremonies na ewan ko lang kung natuloy ng 7 am. Masyado kasing napaka-aga although nang dumating ako ng 11 am, ongoing pa ang cheerleading contest.

Wala ring maraming familiar names akong narinig sa mga sumali at nanalo sa fun run at mga relay races. Sana, dumating sila sa susunod na dalawang linggo, sa Ultra at Ynares Gym.
*****
Si Direk Louie Ignacio pala ay discovery ni Nora Aunor. Dinirek niya ang last episode ng programa ni Nora na ginanap sa Music Museum.
*****
Isang debutante din si Maye Tongco. Nag-celebrate siya ng kanyang 18th birhday with sa simple party sa bahay ng kanyang manager na si Bing Tongco kamakailan lang. May kainan at sayawan.

Nung 17th birthday niya, nag-beach lang sila ng kanyang pamilya. Di pa siya artista nun.Ngayon kahit malayo siya sa kanila, happy siya dahil nakakapagpadala na siya ng pera sa kanila. Unti-unting nagkakaroon na ng katuparan ang pangarap niyang magkaroon ng bahay at kotse.

"Mayroon na akong P100 thousand sa bangko. Regular kasi ang pagpapadala ko ng pera sa probinsya," sabi niya.

vuukle comment

AKO

ALLEN DIZON

ARMAN REYES

BING TONGCO

CENTER

DENNIS C

DIREK LOUIE IGNACIO

JEANNETTE JOAQUIN

MARIKINA SPORTS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with