^

PSN Showbiz

Cher, bigtime sa Fox News

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Natuwa ang management ng ABS-CBN sa magandang ratings ng Darating Ang Umaga. Sa nakaraang survey, ito ang nangungunang teleserye ngayon. Sa research na isinagawa ng ABS-CBN, isang malaking factor ang loveteam nina Patrick Garcia at Jodi Santamaria sa mataas na rating nito. Bukod syempre sa iba pang cast ‘tulad nina Vina Morales, Eula Valdez at ang loveteam nina Danilo Barrios at Aiza Marquez.

Dati-rati ay nangungulelat ang DAU sa hanay ng mga higanteng soap and it came as a surprise na ito na ngayon ang nangunguna.

Maswerte sina Jodi at Patrick dahil pwede na silang ihanay sa iba pang loveteams ‘tulad nina Jericho Rosales-Kristine Hermosa, Marvin Agustin-Kaye Abad, John Prats-Heart Evangelista at John Lloyd Cruz-Bea Alonzo.

May dahilan na talaga ang ABS-CBN na ipagmalaki ang loveteam nina Jodi at Patrick.
* * *
Bigtime sa Las Vegas si Cher Calvin. May dahilan siya para i-give up ang kanyang television career dito sa Pilipinas. Nakita ko mismo kung gaano kaganda ang career ni Cher sa Las Vegas during my 10-day trip doon.

Anchor si Cher sa Fox News 5, ang number one news program sa Las Vegas ngayon. Siya ang main anchor ng 5-9 a.m. timeslot ng Fox News. Bukod sa malaking sweldo, provided ng bahay at kotse si Cher. Bilib kay Cher ang mga Kano na nakakatrabaho nito dahil sa pagiging hardworking nito.

At ‘tulad ng ibang trabaho, hindi rin maiiwasan ang intriga. Noong nakausap namin si Cher sa kanyang apartment, inamin niya na may nang-iintriga din sa kanya. Kasi nga, isa si Cher sa tatlong senior anchors ng Fox News. The rest ay pawang mga reporters.

"I’m getting used to it," sabi nito sa amin. "I’ve had my share of intrigues in the Philippines and it helped me to be strong."

Inamin ni Cher na nami-miss niya ang Pilipinas. Ang buhay niya rito, mga kaibigan, mga dating katrabaho sa F tulad nina Angel Aquino and Daphne Osena-Paez at ang mga gimik niya. "But I have to work and I wouldn’t let this big opportunity pass my way."

When asked about Troy Montero, nag-beg off ito sa akin na hindi na lang siya magku-comment. Cher hopes to be back in country for a vacation in December lang. Wala pa rin daw makakapantay sa mga Pinoy pagdating sa pagsi-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
* * *
Isa si Vilma Santos sa pinakamasaya sa tinatamong tagumpay ng pelikula ni Aiai delas Alas, ang Ang Tanging Ina. Naging vocal si Vilma sa suporta nito kay Aiai at tumulong talaga ito sa promotions ng said movie. In fact, uma-attend pa ang Star for All Seasons ng premiere ng movie na ginanap sa Studio One ng ABS-CBN.

Sa katunayan, as we go to the press ay nag-gross na ang movie ng P153 million. Ito ay mula mismo sa Distribution and Booking Department ng Star Cinema. Meaning, ito ang masasabing certified blockbuster ngayong taon. Totoo rin pala na naungusan na nito ang kinita ng Till There Was You nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ito matanggap ng mga tagahanga nina Juday at Piolo.

Bilang patunay, nagbigay ng isang victory party ang ABS-CBN big boss na si Mr. Gabby Lopez para kay Aiai at sa cast and staff ng pelikula. Heard na malaki rin ang bonus na ibinigay kay Aiai.

Due to insistent public demand, muling isu-showing ang Ang Tanging Ina bukas, June 18 sa mga sinehan. Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakakapanood ng nasabing pelikula.
* * *
Para sa mga tagasubaybay ng mga artista ng ABS-CBN especially ng mga taga-ABS-CBN Talent Center, pwede n’yo nang i-text ang inyong comments, reaction at message of support sa kanino man sa kanila. Just type TALENTO<space><your message> and send to 2366. Open ito sa lahat ng Smart, Talk & Text at Globe Subscribers.

At para naman sa iba pa ninyong reactions, you can email me at ericjohnsalut@yahoo. com

vuukle comment

ABS

AIAI

ANG TANGING INA

CHER

FOX NEWS

LAS VEGAS

NINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with